MATABIL
ni John Fontanilla
TIMELY ang bagong kanta ng Pinoy Alternative Rock Singer-songwriter na si Nadj Zablan na Laya na siya mismo ang sumulat.
Ang awiting Laya ay inspired sa pagdedeklara na sa wakas, lahat tayo ay masasabing nakalaya sa nakaraang pandemya.
Si Nadj ay unang nakilala sa mga awiting panghugot gaya ng Sabihin, Hanggang Kailan, at Luha na naging Most Wanted Songs ng Barangay LS 97.1. Lalong nag-umigting ang pagkilala sa kanya noong nailabas niya ang awiting Akay na dahan- dahang bumabalik sa kanyang Alternative Rock genre.
Kung kaya’t dito sa Laya, all-out rakrakan na ito at naisip ni Nadj na napapanahon na rin para magbigay ng lubos na kasiyahan sa pamamagitan ng pag-indak at pagbahagi ng good vibes sa mga nakikinig. Sa gitna ng mga sakuna at pagsubok sa ating buhay, nais ni Nadj na magbigay ng pag-asa at saya sa kanyang mga tagapakinig.
Si Nadj ay nanggaling sa pagbabanda, notably ang Silangan (na kilala noon sa kanyang homebase sa Antipolo), at Treadstone na naging Metro Manila Champion ng Red Horse Muziklaban 2006.
Ang Laya ay available na for streaming and download sa Spotify, Apple Music, YouTube Music at sa iba pang digital Music Platforms worldwide. Maaari na ring i-request ito sa Barangay LS 97.1 Forever!