Sunday , November 9 2025
Chavit Singson 58 Days ng Milyong-Milyong Pa-Premyo

1-M views sa ikalimang  araw ng Chavit online game show

PUMALO na sa mahigit 1 milyon ang mga tagasubaybay ng ika-5 episode ng 58 Days ng Milyong-Milyong Pa-Premyo, ang pinakamataas na tala ng viewership ng online game show ni Manong Luis “Chavit” Singson, isa sa mga senatoriable sa 2025 midterm elections.

Nagsimula man sa 226,000 views nitong Disyembre 15 ngayong taon, hindi naman nagpatinag ang “Team Chavit Singson” para abutin ito na kanila namang itinuturing na bunga ng kanilang pagsisipag.

Ayon sa kanyang campaign team, hindi nila inaakala na ang programa na kanilang binuo ay maghahatid pala ng tuloy-tuloy na ligaya’t saya sa mga social media followers nito araw-araw.

Ang online game show, kasama si Manong Chavit at ang kwelang host ng programa na si Jourdan Sebastian ay namimili ng 58 na mananalo ng P5,800 araw-araw at isa ring lucky winner ng P58,000, na ang premyo ay maaari pang lumaki depende sa araw na iyon.

Sa gitna ng game show, tila nahabag ang senatoriable mula sa Ilocos Sur nang makilala ang lucky winner noong Huwebes na si “George” mula sa Quezon, na  muntik pang hindi manalo dahil sa hindi pagkakasagot ng tawag mula sa organizer ng show.

Gayunman, minabuti pa rin ni Manong Chavit na ibigay ang premyo na nagkakahalaga ng P58,000, na mariin pa ring nagpaalala na tumutok sa show upang manalo.

Nang tanungin kung saan niya gagamitin ang napanalunan, anito, malaking tulong ito na para sa pagpapagamot ng anak na may sakit.

Bukod pa rito, namigay din si Manong Chavit ng P5,000 sa 100 katao na nasa live audience ng programa, na ayon sa kanya ay maagang Pamasko.

Hinikayat naman ni Sebastian na i-download ng mga manonood ang VBank PH app para sa hassle-free online transactions at para makasali na rin sa araw-araw na raffle draw.

Ang programa noong Huwebes ay umani na ng 29,000 reactions, 212,500 na mga komento at 13,000 shares.

Patuloy na mapapanood sa official Facebook page ni Manong Chavit — https://www.facebook.com/lcsluischavitsingson — hanggang Pebrero 15, 2025.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Jillian Ward

Jillian Ward mukhang reyna ng Thailand

MATABILni John Fontanilla MARAMING humanga sa kagandahan ni Jillian Ward na nagmukhang reyna sa kanyang mga litrato …

Will Ashley

Will Ashley kakasuhan mga basher

MATABILni John Fontanilla NAGPUPUYOS sa galit ang tinaguriang Nation’s Son at Kapuso actor na si Will …

Ysabel Ortega

Ysabel takot sa elevator, gustong gumanap na vampire

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAY trauma pala sa elevator si Ysabel Ortega. Ito ang nalaman naman …

Viva Movie Box

Viva inilunsad, VMB — bagong vertical content streaming platform 

MATAGUMPAY na inilunsad ng Viva Communications Inc., ang Viva Movie Box, isang bagong streaming platform na idinisenyo …

Kim Chiu Paulo Avelino Alibi

Kim Chiu walang takot magpakita ng skin, maraming sikretong ilalantad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “TAPOS na po tayo sa teeny-teeny.” Ito ang paliwanag ni Kim Chiu nang matanong …