Wednesday , November 12 2025
Pia Cayetano Alan Peter Cayetano Boy Abunda BA with CIA

CIA with BA: Pia Cayetano tinalakay Rooming-In Law para sa mga bagong ina

IPINALIWANAG ni Senator Pia Cayetano sa mga bagong ina na may batas na nag-uutos sa mga ospital na isama agad sa kanila ang sanggol matapos manganak.

Sa “Yes or No” na segment ng CIA with BA noong Nobyembre 3, ikinuwento ni Annika mula sa Mariteam ang karanasan niya sa panganganak. Aniya, ang kanyang sanggol ay sandaling dinala sa nursery at agad ding ibinalik sa kanya.

Sa kanyang pag-usisa, tinanong ni Annika kung may batas bang nag-uutos sa mga ospital na sundin ang ganitong sistema.

“‘Yung mom ko po napansin niya kasi ‘yon and sabi niya, hindi naman daw ganoon dati,” sabi niya.

Diretsahang sumagot si Senator Pia ng “yes,” at ipinaliwanag na ang ganitong sistema ay bahagi ng “Rooming-In Law” na isinulong ng yumaong dating Senador Edgardo Angara.

Ibinahagi ni Ate Pia na si Senador Angara, na naging kasama niya sa Senado, ang nagturo sa kanya kung paano amyendahan ang kanyang panukalang batas na nagpo-promote ng pagpapasuso.

“Sabi niya sa’kin, ‘Pia, may batas ako — rooming-in; they are related, so ia-amend mo ngayon ‘yung batas ko,’” kuwento niya.

“Sa Rooming-In Law, automatic ‘yan na ibigay ang baby sa nanay. Why? Because ‘yon ‘yung natural bonding na nagpo-promote ng breastfeeding,” paliwanag ni Ate Pia.

“According to studies, ang baby malabo pa ang paningin niyan for months pero gagapangin niya ang dede ng mommy niya,” dagdag niya.

Patuloy na itinataguyod ng CIA with BA ang legacy ng yumaong Senador Rene Cayetano at napapanood tuwing Linggo ng 11:00 p.m. sa GMA7, na may replays sa GTV tuwing Sabado ng 10:30 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …