Tuesday , September 27 2022
Clark Samartino

Clark Samartino handang harapin ang intriga sa showbiz

MATABIL
ni John Fontanilla

PROMISING ang kauna-unahang alaga ng  businesswoman na si Mommy Merly Peregrino na si Clark Samartino na bida sa pelikulang  Nang Sumikat ang Araw sa Gabing Madilim na mula sa direksiyon ni Ryan Favis at prodyus ni Mommy Merly.

Bukod sa guwapo, mahusay umarte si Clark na handang-handa na sa mga intrigang kakaharapin dahil na rin sa desidido siyang sumikat at nakilala sa showbiz.

Kuwento ni Clark, minsan na siyang naintriga nang ma-link siya at magka-issue sa isang sexy actress, kaya naman kung nalagpasan niya ang nasabing intriga mas matapang na siya ngayon para harapin ang mas malalaking pagsubok na puwedeng dumating sa kanya.

Thankful si Clark dahil nakilala niya si Mommy Merly, ang tumatayong manager niya dahil ipinagkatiwala sa kanya ang magbida sa pelikula. Sana nga ay masundan pa ito ng mas maraming projects ngayong taon.

Ang pelikula ni Clark ay kasama sa 7th Inding-Indie Festival na gaganapin sa Gateway Cineplex Cinema sa Aug. 22 at sa SM Bacoor sa Sept. 26 at sa Metropolitan Theater Manila sa Aug. 30.

About John Fontanilla

Check Also

BingoPlus Day 2

Ogie, Maine, Morisette may bonggang pasabog sa Sabado!

WAGING-WAGI ang bonggang pasabog ng BingoPlus Day 2 na pangungunahan ni Ogie Diaz, kasama ang mga special guest …

Njel de Mesa The Miranda Bomb

Direk Njel de Mesa, pasabog ang short film na The Miranda Bomb               

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA panahon na nagkalat ang fake news, maraming mapupulot ang …

Wilbert Ross Debbie Garcia, Rose Van Ginkel, Ava Mendez, Angela Morena, Jela Cuenca GB Sampedro

Wilbert Ross, tinuhog ang limang Vivamax stars sa pelikulang 5 in 1

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio “FEELING ko, ako iyong pinakamagandang lalaki sa buong mundo ngayon, …

Jane de Leon Darna

Jane napikon sa bintang na ‘di bagay mag-Darna

NAPIPIKON na pala si Jane de Leon sa mga basher/detractors niya na nagsasabi na hindi siya bagay …

Gladys Reyes Moments Net25

Gladys haligi na ng Net 25, Moments 16 taon na

I-FLEXni Jun Nardo HALIGI na ring maituturing si Gladys Reyes sa Net25. Aba, ang talk show niyang Moments ay 16 …