Tuesday , June 24 2025
Albie Casiño

Albie dating kuntento sa paisa-isang trabaho

MAS focus ngayon sa trabaho si Albie Casiño. Ito ang iginiit ng aktor  sa grand mediacon ng Top Class: The Rose to P-Pop Stardom na ginanap sa Glorietta Activity Center noong Linggo ng hapon. 

Ayon kay Albie, kuntento na siya kapag kumita sa isang raket. Basta nakuha na niya  ang pambayad sa kanyang rent ng bahay, cellphone, at pang gas sa kotse, hindi na siya tatanggap ibang proyekto. Kumbaga eh, naging tamad siyang magtrabaho.

Pero ngayon, ibang-iba na siya. Hangga’t may trabahong dumarating tinatanggap niya kaya bukod sa pagiging abala sa pag-arte, pinasok na rin niya ang pagho-host na talaga namang ikinae-excite niya. 

Pagtatapat ni Albie, hesitant siya noong una na tanggapin ang hosting job dahil bukod sa kabado, first time niyang gagawin ito. Pero unti-unti na siyang nag-eenjoy sa pagho-host lalo na  rito sa Top Class ng TV5 na magiging daan para mahasang mabuti ang kanyang hosting skills.

Kaya naman nagpapasalamat siya sa TV5 at Cignal  Entertainment lalo na sa Cornerstone Entertainment sa pagpili sa kanya para maging co-host ng P-pop reality competition.

At bilang baguhang host ay isa sa pangarap ni Albie ang makapag-host ng isang beauty pageant, dahil iba ang dating niyon.

Makakasama ni Albie sa Top Class si Catriona Gray (main host) at silang dalawa ni Yukii Takahashi ang co-host ng beauty queen. Mga mentor naman sina KZ Tandingan (Vocal), Brian Puspos (Dance), at Shanti Dope(Rap). 

Ang 30 Top Class contenders ay binubuo naman nina Dean Villareal, Bulacan; EL Mendoza, Batangas; LX Reyes, Bulacan; Justine Castillon, Cavite; Kim Huat Ng, Bacolod; Harvey Castro, Bataan; Joshuel Fajardo, Kuwait; Gilly Guzman, Quezon City; Kenzo Bautista, Bulacan; Seb Herrera, Laguna; Denver Dalman, Cebu; Francis Lim, Caloocan; Trick Santos, Caloocan; Jascel Valencia, Manila; Tanner Jude, Quezon City; Jon Laureles, Spain; Clyde Garcia, Ilocos; Matt Cruz, Bicol; Timothy Tiu, Quezon City; Brian Zamora, Makati City; Jeff Cabrera, Cebu; Roj Concepcion, Bulacan; Jai Gonzales, Mandaluyong; Chase Peralta, Katipunan; Dave Bono, Tondo; Ash Rivera, Baguio; JC Dacillo, Bulacan; RZ Condor, Cebu; Niko Badayos, Bacolod; at Gab Salvador, Batangas.

Mapapanood ang Top Class: The Rise to P-Pop Stardom simula June 18 sa Kumu (daily streaming) at sa TV5 (tuwing Sabado). (John Fontanilla)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Arci Muñoz

Arci spotted kasama raw ng isang vice mayor sa Dubai

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAKALOKA rin ang latest tsismis ngayon kay Arci Munoz. Matapos kasing pag-usapan …

DusBi AzVer PBB AZ Martinez River Joseph Dustin Yu Bianca de Vera

DusBi at AzVer pukpukan, sobrang pinag-uusapan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA papalapit namang pagtatapos ng PBB Celebrity Collab, mukhang magtatagumpay nga ang …

Marian Rivera

Marian ninenega, mga lumang issue ibinabalik

PUSH NA’YANni Ambet Nabus DAHIL sunod-sunod ngayon ang paglabas ng mga “nega,”  sobrang lumang isyu na …

Viva One Vivarkada The Ultimate Fancon and Grand Concert

Viva One Vivarkada magsasama-sama sa isang malaking concert

I-FLEXni Jun Nardo TAGUMPAY  ang naganap na OST Concert: Mutya ng Section E sa New Frontier Theater …

Mikee Quintos Architecture UST University of Santo Tomas

 Mikee ipinagmalaki pagtatapos ng Architecture sa UST

I-FLEXni Jun Nardo NAKATAPOS  na sa wakas ang Sparkle artist na si Mikee Quintos sa kursong Architecture sa University …