Bea Binene

Bea Binene gusto na muling umakting 

MATABIL
ni John Fontanilla

HANDANG tumanggap ng acting projects si Bea Binene, pero guesting lang muna sa ngayon at ‘di pa teleserye na may lock-in taping.

Isa si Bea sa hindi muna tumanggap ng acting projects dahil sa paglobo ng bilang ng mga naapektuhan ng Covid-19 kaya mas nag-focus ito sa kanyang negosyo at radio host.

Ayon kay Bea nang makausap namin ito bago magsimula ang programa nila nina Tuesday Niu at Arnell Ignacio sa Super Radio DZBB 594 na OMJ (Oh My Job)“Kuya John okey na ulit ako tumanggap ng  acting projects, pero guestings lang muna, ayoko pa ng teleserye kasi may lock in taping.

“Pero need ko muna magbawas ng kaunting timbang kasi medyo matagal ding nabakante kaya nag-gain ng weight.

“Hopefully, bago matapos ang February makapagbawas na ako ng timbang and tatanggapin ko na ‘yung mga offer  sa aking acting projects. 

“As of now focus muna ako sa radio and sa pag-aayos ng bubuksan kong bagong begosyo,” pagbabalita ni Bea.