Wednesday , December 11 2024

Vlogger o immigration officer?

BULABUGIN
ni Jerry Yap
NAG-VIRAL nga ba sa social media ang tungkol sa isang immigration officer na ang ‘hobby’ ay mag-post ng kanyang mga “podcast” topic ang araw-araw na nangyayari sa immigration sa airport?!
 
Hobby ba talaga o sideline?
 
Ang tinutukoy natin, ang “Offloading 101” na isang ‘podcast’ ng isang “@sirkevinmartin” na ayon sa mga nakausap natin ay isang Immigration Officer na nakatalaga sa Bureau of Immigration – Ninoy Aquino International Airport (BI-NAIA).
Ewan ko lang kung nakarating na ito sa opisina ni Commissioner Jaime Morente, at ni Port Operations Division chief, Atty. Carlos Capulong na itong si ‘@sirkevinmartin’ daw ay pangkaraniwang nagpo-post ng podcast tungkol sa procedures or formalities sa immigration counter na sa tingin natin ay hindi dapat.
Sa kanyang ‘podcast’ na “offloading 101” tinukoy nito kung bakit nao-offload ang mga pasahero tuwing sumasalang sa harap ng isang immigration officer.
Awtorisado ba siya para gawin ito?
 
Although kung ang dating o mission nila ay for educational purposes, alam kaya niya na mariin itong ipinagbabawal ng ahensiya sa lahat ng mga empleyado?
 
Ang magsalita sa media o magbigay ng opinyon sa publiko lalo kung tungkol sa status ng BI at press releases na hindi awtorisado ay hindi pinahihintulutan, dahil mayroong authorized spokesperson ang BI sa katauhan ni Immigration Officer Dada ‘este’ Dana Sandoval.
 
May conflict of interest din sa ginagawa ni ‘@sirkevinmartin’ since na siya ay government employee at mahigpit na ipinagbabawal sa Section 12 of RA 6713 otherwise known as “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.”
Beyond that, mas nakatatakot kung gamitin ‘yan ng sindikato para sila ay matuto ng paraan na puwede nilang pagkakitaan at the expense of our kababayans.
Balita natin, ilang beses na raw napagsabihan itong si @sirkevinmartin ngunit binabalewala ang mga warning sa kanya!?
 
Wow ha?! Swak kaya kay Lolo Erap ang ganyang attitude?
 
Tingnan natin!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *