Monday , November 11 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

DPWH proposed budget sa 2021 parang sasabog sa ‘kabundatan’

PARANG ‘palakang bato’ sa kabundatan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) kung pagbabatayan ang kanilang proposed budget na P613.1 bilyon sa kabuuan ng P4.506-trilyong national budget para 2021.

Hindi po simpleng numero ang pinag-uusapan natin dito o mathematical equation sa libro. Ang mga numero pong iyan ay kuwarta — kuwarta mula sa hilahod na Filipino taxpayers.

Wala pa man ang pandemya, pasan-pasan na ng mga Juan dela Cruz ang buwis na kinakaltas sa kanilang pinagpapagurang sahod o suweldo pero malungkot aminin na hindi nila nararamdaman sa kanilang buhay kung ano ang magandang naidudulot ng pagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.

Inililista po ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ang ‘inaakala’ nilang gastusin sa buong taon sa ‘ngalan ng paglilingkod’ sa publiko pero manggagaling din po iyan sa ‘bulsa’ ng sambayanang Filipino.

‘Bulsa’ na ang katumbas ay pawis at dugo para makapagbayad ng buwis na magiging ‘gulugod’ ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para sa kanilang operasyon — kabilang na nga po riyan ang DPWH.

Kahit po sabihin nilang ‘inutang’ ng gobyerno sa International Monetary Fund at World Bank ‘yan, ang ipambabayad po riyan ay mula sa buwis na ating ibinabayad sa pamahalaan — direct at indirect taxes ‘yan, may VAT o E-VAT man — tiyak na ‘maeebak sa saluwal’ ang mga Juan dela Cruz katatrabaho para sa buwis.

‘Yan pong inilista nilang gastusin ay sasailalim sa congressional hearings, iba’t ibang antas ng deliberasyon hanggang maaprobahan sa bicameral conference committee at pinakahuli ang lagda ng pangulo.

At sa pamamagitan ng mga prosesong nabanggit sa itaas, nabusisi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang tinawag niyang “whopping P532 billion in questionable appropriations in the proposed P4.506-trillion national budget for 2021.”

Ayon kay Senator Lacson, matapos niyang repasohin ang budget proposal ng DPWH, natuklasan niya ang “re-appropriation” ng infrastructure projects na lomobo hanggang P532 bilyon mula sa inisyal na P469 bilyones.

Lumalabas umano na 87 percent (P532.3 bilyones) ng proposed budget ng DPWH ay kuwestiyonable. 

Sa paghimay ni Senator Lacson, lumalabas na ang inisyal na P73.5 bilyon na mayroong 2,933 items ay lomobo hanggang P135.8 bilyones na mayroong 5,913 projects.

Ang lump sums ay may kabuuang P396.4 bilyon.

Kung wala umano ang overblown appropriations, ang 2021 General Appropriations Act ay maaaring mabawasan ng mahigit sa kalahating trilyong piso, ayon kay Sen. Lacson.

Heto pa, ang kuwestiyonableng items sa DPWH ay naroon na sa 2020 P4.1-trilyong national budget at ngayon nga naroon na naman sa 2021 NEP.

Tsk tsk tsk…

“So, I raised the red flag on this. And [Budget] Secretary [Wendel] Avisado was candid enough to admit there’s indeed an error and he will correct it by asking DPWH to submit to him [the correct figures] so he can submit to Congress the errata,” pahayag ni Senator Lacson sa isang panayam.

        Isang source umano sa Department of Budget and Management (DBM) ang nagsabi na ipinasa ng DPWH nang mabilis at walang pagrerepaso ang maling appropriations para sa 2021 NEP dahil huli na nilang isinumite ang budget proposal.

        Mantakin n’yo naman, paano malalaman ng sambayanan na parang estudyanteng nagka-cram sa exam ang ilang government officials kapag kailangan nang magpasa ng budget proposal kung hindi nabubusisi ng mga mambabatas.

        Maipagpapasalamat natin na mayroong isang Senator Ping Lacson na hindi natutulog at nagsusunog ng kilay para busisiin ang mga budget proposal ng mga ahensiyang may malalaking budget proposal.  

        Ang tanong lang natin, hindi kaya lumubay si Sen. Ping sa pagbabantay sa nabusisi niyang kamalian sa budget proposal ng DPWH?!

        May aksiyon bang gagawin ang kongreso para ipaalala sa DPWH na pinamumunuan ni Secretary Mark Villar na dapat silang maging maingat sa pagpapasa ng budget?!

        Nagkamali na sila noong 2020 budget proposal at ‘nabaril’ na nga ang kuwestiyonableng budget, bakit naulit na naman ngayon?!

        Mukhang nais nang pangatawanan ni Secretary Villar na sila ang numero unong bilyonaryong departamento ng gobyerno. Lalo na nga’t nais na maging ‘landmark project’ ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang Build Build Build program.

        Wish lang natin na huwag lubayan ni Senator Ping Lacson ang pagbabantay sa budget ng DPWH.

        Huwag sanang matulad sa mga naunang nabulatlat niya, pumutok, pero bigla rin lumamig, gaya noong PPE issue sa Department of Health (DOH).

        Pakiusap natin kay Senator Ping, huwag po kayong bibitiw!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Apela ng seniors: Booklet tanggalin

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BIHIRANG-BIHIRA, kung nangyayari man, na nagsusulat ako ng pansariling …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy, hindi binigo ni Buslig laban sa kriminalidad sa QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG umupo si P/Col. Melecio M. Buslig, Jr., bilang Director ng …

Sipat Mat Vicencio

Gabay ni Da King sa FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio NOONG nabubuhay pa si Fernando Poe, Jr., kaylan man ay hindi siya …

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *