Saturday , November 9 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pamilya Laude maghabol na lang sa tambol mayor? (Sino ang tumanggap ng P4.6-M?)

NAKULONG nang limang taon at nagbigay na umano ng P4.6 milyon bilang kabayaran para sa civil damages si dating US Marine Joseph Scott Pemberton sa pamilya Laude.

Ito kaya ang rason kung bakit ginawaran ng ‘absolute pardon’ ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang sundalong kano na kumana ng Filipino transgender at tila manok na binalian ng leeg noong 2014?

Ayon kay Julita Laude, ina ni Jennifer Laude, ilang beses siyang sinubukang bayaran ng kampo ni Pemberton para iurong ang kaso noong 2015.

Pero matapang na sinagot ni Mrs. Laude ang abogado nina Pemberton: “’Ikaw Attorney, kung pinatay ang anak mo, magkano mo gusto?”

Pagkatapos ng limang taon, hindi tumigil ang kampo ni Pemberton para ‘bilhin’ ang kanyang kalayaan.

Kaya naman, marami ang nagulantang nang gawaran ni Pangulong Duterte ng ‘absolute pardon’ si Pemberton dahil naniniwala siyang ‘hindi patas’ ang naging trato sa kanya ng gobyerno.

Si Pemberton ay hinatulang mabilanggo ng 1o taon bunsod ng pagpaslang kay Filipino transgender Jennifer Laude noong 2014.

        Halos limang taon pa lamang nakapiit si Pemberton sa JUSMAG compound sa Camp Aguinaldo sa Quezon City. Hindi siya isinama sa ibang kulungan na may mga nakapiit na convicted sa iba’t ibang kaso.

        Sa mga nabanggit na pangyayari sa itaas, sa palagay ninyo, sino ba talaga ang nabayaran? Sino ang tumanggap ng P4.6 milyones? Ang pamilya Laude ba talaga?

        Ano ang masasabi rito ng kanilang dating abogado na ngayon ay Presidential spokesperson, Secretary Harry Roque?

        Alam kay ni Secretary Roque ang naganap na bayaran?

        Ayon kay retired UP Law dean Pacifico Agabin, maaaring maghain ng petisyon sa Korte Suprema laban kay Pangulong Duterte dahil sa “grave abuse of discretion” sa paggawad ng absolute pardon sa US serviceman.  

Kasunod ito ng pag-amin ng abogado ni Pemberton na si Rowena Flores, hindi sila nag-apply ng anomang pardon para sa kanyang kliyente.

        “I didn’t really personally apply for any pardon from the President for Pemberton. I didn’t know that any was forthcoming or that anybody filed an application for pardon in his behalf,” aniya sa panayam ng ANC.

        Para sa pamilya Laude, labis ang kanilang pagkadesmaya sa naging desisyon ng Pangulo dahil noong 2016 ay nangako siya sa kanila na ipaglalaban niya ang kaso ni Jennifer.

        Noong 2016 ay ipinatawag ni Pangulong Digong ang pamilya Laude at sinabihan silang huwag aatras dahil ilalaban niya ang kaso.

        Noong 2016 iyon… ngayon ay 2020 na… at mismong si Pangulong Digong ang nagpalaya kay Pemberton sa pamamagitan ng ‘absolute pardon.’

        Paano na ang pamilya Laude? Sa tambol mayor na lang kaya sila puwedeng maghabol?!

        Secretary Roque, sino ba talaga ang tumanggap ng P4.6 milyones?!

HUMAN TRAFFICKING
DAPAT ISAMPANG KASO
KAY LIYA WU

KUNG mayroon man isang nakadedesmaya sa mga sinampahan ng kaso tungkol sa ‘pastillas issue,’ ito ay ‘yung tanging pagpataw ng violation of Article 212 of Revised Penal Code sa Tsekwang si Liya Wu!

Dito ay kitang-kita kung paano inalalayan o pinagaan ang kaso na dapat sana ay swak sa “Qualified Trafficking in Persons?!”

Noon pa ay malinaw na isinaad sa senate inquiry na si Liya Wu ang nagpa-facilitate ng pagpasok at pag-alis ng Chinese nationals na involved sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Sa pamamagitan ng kanyang Empire Travel and Tours ay sinamantala umano nito ang paggamit sa programang Visa Upon Arrival (VUA) ng Bureau of Immigration upang makapagpapasok ng mga banyaga na involved sa POGO.

Halos lahat ng international airports sa Filipinas ay ‘namumukadkad’ ang VUA na nilakad ng kompanya ni Liya Wu.

Balita natin ay halos nasa 3,000 hanggang 5,000 kada araw ang pinapapasok niyang Tsekwa?!

Siya lang ang bukod-tanging pinag-o-overtime ng mga taga-VUA dahil magaling nga siyang maghatag ‘di ba!?

So paano babagsak na bribery and corruption of public officials lang ang kanyang kaso?!

Wattafak!?

Maliwanag pa sa sikat ng araw na “human trafficking” ang dapat isupalpal sa kanya at hindi corruption of public officials lang na gaya ng gustong mangyari ng NBI.

Kaya nga siya nagbibigay ng suhol dahil para maging smooth ang pagpasok ng mga Chinese mainlander sa ating bansa, ‘di po ba!?

Matatandaan na nasangkot din si Wu, matapos pangalanan sa isang raid na kanilang isinagawa, kasama ang Bureau of Customs, sa isang warehouse sa Malate, Maynila na naaktohan ang daan-daang kahon o pakete ng Chinese traditional medicine na Lianhua Qingwen?!

Base sa report ay gamot daw sa CoVid-19 ang nasabing mga kapsula ngunit noong panahong ‘yun ay hindi pa ito aprobado ng Food and Drug Administration (FDA) kaya mahigpit na ipinagbabawal.

Ilegalista talaga, ‘di ba?

So ano pang hinihintay n’yo DOJ and NBI?

Ituluyan na ‘yan!

‘DARK AGES’
SA ILOILO PINAWI
NG MORE POWER

ITO ang paniniwala ng mga Ilonggo dahil sa pakiramdam nila nakaahon na sila sa panahon ng kadiliman o dark ages.

Nangyari ito nang mawala ang dating power supplier na Panay Electric Company (PECO) na noon ay ordinaryong pangyayari sa kanilang pamumuhay ang palagiang brownout sa buong Iloilo City na ayaw na nilang muling balikan.

Sa isinagawang special report ng  Publishers Association of the Philippines Inc., (PAPI) bilang pagtukoy sa estado ng power supply sa Iloilo City na makikita sa http://www.papi.com.ph/wp/all-the-fuss-about-peco-and-whats-more-with-more-power/ 

inisa-isa nito ang dahilan ng naging pagbagsak ng kontrobersiyal na 96-taon pamahahala ng PECO at kung bakit inayawan hindi lamang ng customers kundi mismo ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan na nagsulong ng inisyatiba na hilingin sa Kongreso at Energy Regulatory Commission (ERC) na palitan ang kanilang power supplier.

“PECO, for much of its last years as the city’s electric power distribution utility, had become synonymous to the phrase ‘technical incompetence’ following years of unexplained and prolonged power interruptions that for a while had actually threatened the economic viability of Iloilo City turning off investors instead of attracting them. PECO’s service, at least in its last few years, was nothing but a complete mess,” nakasaad sa nasabing report.

Ang operational lapses ng PECO na tinukoy ng ERC ay hindi maayos na protective devices, hindi ligtas na mga poste, overheating na substations, walang upgrade sa kanilang lumang distribution system sa maraming taon at hinuhulaan lamang ang meter reading kaya nagkaroon ng P631 milyong refund sa mga consumers ang nagbigay daan para bawiin sa PECO ang prankisa, operational at business permit nito.

Bagamat wala na sa Iloilo City ang PECO, hindi pa rin natatapos ang kalbaryo ng mga Ilonggo sa kanilang power system.

Pinuna ng PAPI na ang dahilan nito ay patuloy pa rin na panggugulo ng PECO sa operasyon ng bagong distribution utility na More Electric and Power Corp (More Power) na una nitong inakusahan na mas dumalas ang nararanasang brownout at tumaas pa ang sinisingil na systems loss.

Sa report ng PAPI, sinabi nitong lumilitaw na walang basehan ang akusasyon ng PECO laban sa More Power dahil ang buong sistema mismo na ginagamit noon ng PECO ang substandard na sinisimulan na ngayong isaayos ng bagong power supplier kaya nagkakaroon ng scheduled power interruption.

Binigyang puntos din ng PAPI ang suporta ng buong komunidad sa More Power na hindi umano nakita sa ilalim ng pamamahala ng PECO.

        Samantala, sinabi ng ilang business at church leaders sa Iloilo City na inaasahan na nila ang maliwanag na pamumuhay sa Iloilo City sa pag-alis ng PECO at pinanghahawakan ang pangako ng More Power sa mas maayos na serbisyo.

Hindi na rin umano papayag ang grupong Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines (IIEE) na maibalik ang PECO sa Iloilo City dahil mas may kakayahan umano ang bagong power supplier na tugunan ang pangangailangan ng lungsod.

Sinabi ng PAPI, ang underfunded na distribution infrastructure ng PECO sa loob ng maraming taon  ang puno’t dulo ng naging problema sa koryente ng Iloilo City kaya naman kung hindi nito kakayanin ang demand ng panahon ay mainam na lisanin na ang lungsod at ipaubaya ang power supply sa More Power na nakita ng Kongreso na may kakayahang mag-rollout ng development plan sa buong power system ng Iloilo City.

Hindi simpleng usapin ang isyu sa pagitan ng More Power at PECO dahil koryente ng buong lungsod ang pinag-uusapan dito na lifeline at mahalagang instrumento para sa socio-economic developnent ng lungsod.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Apela ng seniors: Booklet tanggalin

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BIHIRANG-BIHIRA, kung nangyayari man, na nagsusulat ako ng pansariling …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy, hindi binigo ni Buslig laban sa kriminalidad sa QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG umupo si P/Col. Melecio M. Buslig, Jr., bilang Director ng …

Sipat Mat Vicencio

Gabay ni Da King sa FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio NOONG nabubuhay pa si Fernando Poe, Jr., kaylan man ay hindi siya …

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *