Saturday , October 5 2024

Audio recording nina Kris at Nicko, malayo ang lalakbaying debate

HANGGA’T maaari’y nais naming manatili sa neutral ground kaugnay ng tumitinding palitan ng mga salita ni Kris Aquino at ng kanyang dating business manager na si Nicko Falcis.

Ang latest nga ay ‘yung kumalat nang audio clip ng kanilang phone convo sometime in August or September last year, na nagbanta umano si Kris na ipapapatay si Nicko who at that time was out of the country.

Kung pasok ang tinurang  ‘yon ni Kris bilang grave threats, may katwiran nga naman siyang kuwestiyonin kung bakit hindi agad nagsampa ng kaso si Nicko, Ilang buwan na nga naman ang lumipas.

Mahaba naman ang lalakbaying debate sa kung ang audio recording nga bang ‘yon would stand in court kung gagamiting ebidensiya ‘yon ni Nicko. Batid naman kasi natin ang nagagawa ng wonders of technology sa panahon ngayon.

Looking back, may naalala lang kaming kuwento mula sa isang kasamahan tungkol sa umano’y pagiging makapangyarihan ni Kris noong Pangulo pa ang kanyang Kuya Noynoy.

Hindi na namin babanggitin ang political personality na ito na minsang naugnay kay Kris. By link, hindi kami sure kung may namagitang relasyon sa kanila at kung mayroon man, how long.

Ang nakisawsaw din kasi sa isyu nina Kris at Nicko, walang iba kundi si Gretchen Barretto ay minsan nang nagpatutsada sa kanyang socmed account na, “No to bullies. No to power tripping.”

Obyus naman kasing walang ibang pinatutungkulan si Gretchen kundi si Kris na ewan kung anong axe to grind mayroon siya laban sa huli.

Pero ang kuwento linking Kris to this political personality ay may shades of power-tripping.

Ang lalaking na-link kay Kris ay biglang akyat sa mas mataas na puwesto sa lokal na lebel. Pagmamalaking dayalog daw ni Kris, “Oh, look at (pangalan ng politikong naugnay sa kanya), I made him (local post) na.”

Hindi siguro na-realize ni Kris ang malaking implikasyon ng kanyang pagbibida sa kung gaano sagrado dapat ang electoral exercise.

Anong ibig niyang palabasin, na ipinanalo niya ang lalaking ‘yon? At sa anong mapandayang pamamaraan? Kasapakat ba ni Kris ang Comelec para ideklarang panalo ito?

On the other hand, wala man sigurong elemento ng pandaraya ang minaniobra ni Kris, baka ang tinutukoy niya, kung hindi dahil sa kanyang endorsement at suporta sa politikong ‘yon ay nungkang mag-level up ito sa posisyon.

Saan mang anggulo kasi tingnan, ang pagbibidang ‘yon ni Kris ay pagduduldol sa psyche ng mga mamamayang Filipino na taglay niya ang kapangyarihan, either she can make anyone win or lose his ambition.

At hindi nga nakalayo roon si Nicko.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Maine sa paglilibang ng Pinoy Drop Ball — Let’s be a responsible gamer, balanse ang saya sa pagtaya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA opisyal na pagbubukas ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus, masayang ibinahagi ng ambassador …

Diwata

Diwata papasukin ang politika para maging boses ng mga vendor 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging Online Sensation at matagumpay na negosyante, sasabak na rin …

Rhian Ramos Sam Verzosa SV

Rhian suportado pagtakbo ni SV— I’ve never campaign anyone in my whole life pero if he needs me andoon ako 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SAMPUNG mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P200-M ang ibinenta ni Tutok …

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Perya feels handog ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PERYA feels ang ibinabandera ng pinakabagong laro ng BingoPlus, ang …

Piolo Pascual Rhea Tan Beautéderm

PIOLO PASCUAL NAGPAKILIG SA MEET AND GREET SA BEAUTÉDERM HQ,  
Ms. Rhea Tan nagdiriwang ng 15 taon sa negosyo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Ultimate Heartthrob ng bansa na si Piolo Pascual ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *