Friday , September 13 2024

Mindanao at Culion, tiyak na magbabanggaan sa Best Film

AS in every MMFF, bukod sa inaabangan ang walong pelikulang kalahok ay nariyan ang Gabi ng Parangal ilang araw makaraang magbukas ang lahat ng entries sa mismonh araw ng Kapaskuhan.

Hindi pa man ay itinanghal nang Best Actress si Judy Ann Santos para sa pelikulang Mindanao sa Cairo International Film Festival sa bansang Egypt.

Matatandaang noong 1995 ay nagwaging Best Actress para sa The Flor Contemplacion Story si Nora Aunor in the same festival.

Almost 25 years din bago nasundan ang pagkapanalo ng isang Filipino actress.

Anyway, back to Mindanao, tiyak na may tulog kay Judy Ann ang iba pang mga nominado in the same category. Nakahihiya naman kung hindi pa siya ang tatanghaling biggest winner in the acting category.

Nagbabadya rin ng pagkapanalo for the Best Festival Picture ang Miracle in Cell No. 7 tampok sina Aga Muhlach at Bela Padilla, if only sa Grade A na iginawad ng Cinema Evaluation Board.

Tatlong entries ang karaniwang itinatanghal na Best Festival Picture, kasama ang first at second maliban pa sa Gatpuno Award na tiyak na masusungkit na ng Mindanao if only for its cultural relevance.

Pero kuwidaw din tayo, nariyan din ang Culion na naglilinang din sa aspeto ng turismo sa bansa.

Obviously, it’s a toss between Mindanao and Culion.

Sa tanong kung sino ang tatlong top-grossing MMFF entries, in no particular order ay labo-labo ito among the films na bida sina Vic Sotto, Coco Martin, at Vice Ganda.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Teejay Marquez A Journey To Greatness, The Marcos Mamay Story

Teejay handang tumulong politika ‘di papasukin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO ang nilalakad ni Mayor Marcos Mamay (ng Nunungan, Lanao del Norte) noong …

Lilo Eigenmann Alipayao

Andi ibinandera galing ni Lilo sa pagse-surf

MA at PAni Rommel Placente BINUWELTAHAN ni Andi Eigenmann ang mga pumupuna sa pagpapalaki sa kanyang mga …

Bianca Umali Ruru Madrid

Ruru hanggang pangako muna ng kasal kay Bianca

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Bianca Umali, nangako raw ng kasal sa kanya ang …

The Clash

24 Clashers magbabakbakan na

I-FLEXni Jun Nardo NAPILI na ang 24 Clashers mula sa Manila, Luzon, Visayas, at Mindanao …

Janine Gutierrez Jericho Rosales Lotlot de Leon

Lotlot sa pakikipag-date ni Janine kay Echo — kung happy siya eh masaya naman ako

I-FLEXni Jun Nardo NAGTITIWALA si Lotlot de Leon sa anak niyang si Janine Gutierrez. Wala si Balot sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *