Pepe Herrera nagpaliwanag sa halikan nila ni Claudine Barretto

Pepe Herrera Claudine Barretto

ni Allan Sancon

MULING magsasama ang tambalang Pepe Herrera at Jerald Napoles sa isang panibagong comedy movie ng Viva Films na Ang Pinakamasarap na PARES sa Balat ng Lupa, sa direksiyon ni Raynier Brizuela na ipalalabas sa August 26, 2026.

Sa ikatlong pagkakataon ay magtatambal ang dalawa sa big screen, kaya naman inaasahang mas matindi, mas makulit, at mas nakatatawa ang kanilang ihahain sa mga manonood. 

Matapos ang matagumpay na proyekto ni Jerald na Love, Ngo at ni Pepe sa Home Along Da Riles: The Reunion kasama si Claudine Barretto, muli nilang susubukang pasayahin ang publiko sa isang kakaibang kuwentong tiyak magpapahalakhak.

Sa isinagawang media conference, hindi maitago nina Jerald at Pepe ang excitement sa muli nilang pagsasama. 

Ayon kay Jerald, “Masaya ako kasi kapag si Pepe ang kasama ko, parang wala kaming effort na magpatawa. Natural lang ang chemistry namin at lagi kaming may bagong naiisip sa bawat eksena. Sana mag-enjoy ang mga manonood dahil ginawa namin ito ng buong puso.”

Ganito rin ang naging pahayag ni Pepe na aminadong espesyal sa kanya ang pelikula. “Ibang klaseng saya ang ibinibigay ng movie na ito. Hindi lang puro tawanan, may puso rin ang kuwento. At siyempre, sobrang saya katrabaho ni Jerald dahil halos wala kaming tigil sa kulitan kahit nasa set. Excited na kaming mapanood ito ng lahat.”

Samantala, naungkat din sa press conference ang usap-usapang naging halikan nina Pepe at Claudine sa premiere night ng Home Along Da Riles: The Reunion na mabilis na nag-viral sa social media. Marami ang nagtaka kung bakit tila totoong-totoo ang kanilang eksena, dahilan para umugong ang iba’t ibang espekulasyon.

Nilinaw naman ni Pepe na hindi dapat bigyan ng ibang kahulugan ang naturang halik. 

It’s part of the promotion. Napag-usapan namin ni Claudine na ireenact namin ang halikan sa premiere night ng movie. Hindi naman nagselos ang miss ko dahil nagsabi naman ako sa kanila na gagawin namin ‘yun,” paliwanag ng aktor.

Ayon kina Jerald at Pepe, isa sa pinakamagandang nangyari sa paggawa ng pelikula ay ang lalo pang pagtibay ng kanilang pagkakaibigan. Dahil sa kanilang matagal nang samahan, naging mas madali ang pagbuo ng mga eksenang puno ng katatawanan at improvisation, na siyang inaasahang magpapasaya sa mga manonood sa bawat tagpo.

Hindi rin itinanggi ng direktor na malaki ang kanilang kompiyansa sa tambalan nina Jerald at Pepe dahil sa kanilang natural na comic timing. Bukod sa katatawanan, may mga eksena ring magpapakita ng tunay na halaga ng pagkakaibigan, pangarap, at pagsusumikap sa buhay, kaya mas magiging relatable ang kuwento sa mga Filipino.

Sa muling pagsasanib-puwersa nina Pepe at Jerald, asahan na naman ang isang pelikulang puno ng tawanan, kulitan, at puso. Malapit nang mapanood sa mga sinehan ang Ang Pinakamasarap na PARES sa Balat ng Lupa, na inaasahang magiging isa na namang crowd favorite at panibagong comedy hit ng Viva Films.

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

CANCERTOTO

CANCERTOTO

MALUKUTOTO

MALUKUTOTO