The Rainmakers, Gerphil, at Allison nakiisa sa ika-75 pagkatatag ng Knights of Rizal

The Rainmakers Gerphil Flores Allison Gonzales Knights of Rizal

HARD TALK
ni Pilar Mateo

KNIGHTS of Rizal.

Ano ito? 

Mahabang istorya. Pero ginawa siyang batas bilang Republic Act 646 noong June 14, 1951 na nilagdaan ng dating Pangulong Elpidio Quirino. 

At ipinagdiwang nito ang kanyang ika-75 pagkakatatag sa Manila Hotel kamakailan.

Itinaon din sa pagdiriwang na ‘yon ang paglulunsad ng M.I.L.K. (Make Intelligent Lots of Kids) in the Philippines.

Na ang layunin ay makapagbigay ng libreng gatas sa mga mahihirap na nagdadalantaong mga ina (sa halip na mga bata). Isang basong gatas sa nanay sa unang 1,000 araw ng buhay ng isang bata.

Ayon sa Knights of Rizal Supreme Commander na si Dr. Manny Calairo, ipinaliwanag nito na “That initially for fifteen (15) straight months the KOR will be partnering with various LGU’s nationwide to fight malnutrition that causes brain stunting in children due to poverty.

Kabilang dito ang daily sustained milk feeding of poor and nutritionally at risk pregnant mothers (ideally in their earliest period of the 1st trimester of pregnancy) para labanan ang  malnutrition na nagdudulot ng  permanent brain stunting of a child after 2 years of age.”

Ayon sa nasaliksik na datos isa sa apat na batang Filipino ang (25%) isinisilang na may kakulangan sa kalusugan ng kaisipan.

Isang programa sa San Jose, Batangas noong Hulyo 25, 2026 ang naisagawa na at nasundan sa Magdalena, Laguna noong Hulyo 27, 2026. 

Sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo, sa pamamagitan ng kasapi ng KOR na si Doc Mike Aragon, nagbigay ng kasiyahan ang mga celebrity na naghandog ng kanilang nga awitin para sa mga dumalo.

Sa naturang gala night itinampok ang mga sumikat noong 70’s at 80’s sa mga nag-hit nilang kanta, ang THE RAINMAKERS. 

Kasama rin ang award winning singing divas  na sina Gerphil Flores at Allison Gonzales, at ang Philippine Navy singing diva na si Commander Lady Chatterly Alvarp-Sumbeling, PN.

Sumuporta rin sa  KOR M.I.L.K Project ang up and coming P-POP group na NOVA at ang  Pangulo ng Manila Hotel, ang singing Senator na si Joey Lina.

Palagi pa ring inaalala at sinasambit ang  mga katagang nagmula sa ating Pambansang Bayani na si Gat. Jose Rizal, na “Ang kabataan ang kinabukasan ng ating bayan.”

At ito ang isinasabuhay na turo ng Knights of Rizal.

Ang layunin ng KOR ay ang pag-aralan at palaganapin ang mga aral ng ating bayaning si Rizal. Kasama na ang pagyamanin at pagbunsod  sa pagiging makabayan at pagkakaisa at magsagawa ng mga taunang pag-alala o paggunita sa isinusulong ng samahan.

Ang mga ranggo ay kinikilalang  Knight, Officer, Knight Commander, Grand Officer, at Knight Grand Cross of Rizal. 

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

CANCERTOTO

CANCERTOTO

MALUKUTOTO

MALUKUTOTO