Ynez sa dating manager na si Lito de Guzman: sana malinis niya uli ang pangalan niya
HARD TALK
ni Pilar Mateo
BAGO mawala ang phone (na nabasa ko lang sa messenger niya) the next day after namin siya makausap, nakapag-kwento naman si Ynez Veneracion tungkol sa kaibigan niyang si Lito de Guzman, na dati niyang manager.
Kalat naman na kung ano ang nangyari kay Lito na inilagak sa NBI (National Bureau of Investigation).
Nakausap daw niya si Lito through a friend nang makarating sa kanya ang balitang dinala nga nito sa NBI. Kinumusta niya.
“Naglalaro kami ng Pickle Ball nina Gabby (Concepcion) noong may magsabi sa akin na ganoon nga nangyari. Sabi ko ‘Hala! Bakit?’” Nakita raw nila sa TV. Blurred naman daw ang shots.
“Sinabi naman niya na naipit siya pero wala siyang kasalanan. Pwedeng magtagal kung kaso. Depende. Kaya sabi ko sa kanya, magdasal din.
“Oo. Tingin ko naman maaapektuhan ang pagiging manager niya. Hindi ba kahit naman hindi totoo nagkaka-marka, nagkaka-stigma. Kaya kailangan na lumabas ang katotohanan.
“Kinumusta ko naman siya. Sa Messenger. Okay lang ang sinasabi niya. Sana wala na ngang sumunod. Kaya dapat alagaan ang pangalan. At malinis niya uli ang pangalan niya.”
Sa paglulunsad ng Maddox Jewelry ni Ms. Charo Cordial namin nakausap si Ynez. Rumampa siya kasama ang sari-saring celebrities most of whom are A-Listers.
“First time kong rumampa in a runway fashion show. Nakaka-pressure. Hindi ako nakapag-rehearse. So sabi ko, kung ano na lang emote-emote maramdaman ko, ‘yun ang gagawin ko sa mga pose ko.
“Medyo close ako kay Ms. Charo. Kasi ako nagbigay ng mga artist sa kanya. Sa mga vlog niya and now here. Aminin dami views niyon.
“Kaya sobrang simple lang ng galaw ko. Pero mararamdaman mo rin. At saka kailangan ma-highlight ang mga alahas na suot. So, laban lang!
“Nakita ko naman, lahat may sariling style. Moment ‘yun, eh. Lahat magaganda ‘di ba? Kaya do your best.”
Enjoying her single life with her two daughters si Ynez. Abala pa rin sa trabaho in front of the cameras.
At siya ang nagbalita na may dalawang vertical series na pala na ginagawa ang Maddox. Isa ay kasama niya si Jao Mapa.
Samantala, we would like to commend Direk Robby Carmona sa napakagandang presentation ng runway fashion show ng Maddox. With ballerinas, fire dancers and A-list models.
Bahagi si Ynez ng Icons of Timelessness with Beauty Gonzales, Regine Tolentino, Alma Concepcion, Jeric Raval, DJ Durano, Pokwang and Claudine Barretto.
Ang iba pang segment ay ang Icons of Forms and Radiance, Brilliance and Elegance at Legends.
Sa finale na tampok sina Roderick Paulate at Carmi Martin, isinayaw ang walang kamatayang awit ni Rick Astley na Together Forever na naghiyawan ang mga OG.
Inilusad ni Ms. Charo ang mga larawan ng kanyang icons na magdadala ng ngalan ng Maddox sa Pilipinas at sa iba pang dako ng mundo.