Claudine Barretto Charo Cordial Maddox

MA at PA
ni Rommel Placente

NILINAW ni Claudine Barretto na hindi sila nagkaroon ng relasyon before ng nakababatang kapatid ni Korina Sanchez na si Milano.

Sabi ni Claudine, ”Unang-una, hindi naman talaga naging kami ni Milano. We were dating.

“And then, hindi kami umabot ng two months.

“But we’re good friends. We still talk.

“We see each other from time to time.”

Noong na-link siya kay Milano, ginugulo raw siya ng ex nito?

“Wala ‘yun. Actually, okey din kami niyon,” sagot niya.

Kailan ba niya ulit susubukang magmahal?

Sagot niya, ”Wala muna. Ano muna, pause.

“After 12 years, nag-try naman ako na mag-date and all.

“Pero  parang hindi pa para sa akin. Hindi pa talaga dumarating.”

Nakausap namin si Claudine nang rumampa siya sa Maddox Iconic Runway Diamond Jewelry Fashion Show 2026. Ang owner ng Maddox Jewelry ay si Ms. Charo Cordial. Ayon dito, kung isasapelikula ang buhay niya ay si Cladine ang gusto niyang gumanap bilang siya.

Pero, ginagawa na pala ang life story niya. Kinompira ito ni Claudine. At siya nga raw ang gaganap bilang si Ms. Charo.

“Ginagawa ko na ‘yung buhay ni Ms. Charo.

“Hindi ko pa alam kay Ms. Charo kung saan niya ipalalabas.

“May isa  pa kaming shooting day.

“And sobrang ganda ng buhay niya. Nakatutuwa.

“Isa rin siyang Claudinian na naging successful sa buhay.

“Na parang feeling ko, nakapag-contribute ako sa buhay niya.

“Nagng inspirasyon niya ako kahit kaunti. So, malaking bagay para sa akin ‘yun,” aniya pa.

Samantala, ayon kay Ms. Charo ang Maddox ay kinuha niya mula sa pangalan ng kanyang anak.

Itinayo niya ito during pandemic.  Noong nagsimula siya ay apat lang ang kanyang mga tauhan, ngayon ay marami na.

Sa tanong kung ano ang sikreto ng pagigjng successful niya bilang negosyante, ang sagot niya, “Mahalin mo ‘yung ginagawa mo. Mahalin mo rin ‘yung mga empleado mo. Mahalin mo ‘yung mga customer mo. Ibigay mo kung ano ang gusto nila.”