Rabin at Angela maraming pagbabago nang maging close 

Rabin Angeles Angela Muji

MATABIL
ni John Fontanilla

MARAMI ang nabago sa dalawang lead actors ng hit Viva One series na Dating Alys Perez na sina Rabin Angeles at Angela Muji simula nang maging close sila.

Tsika ni Angela, “For me po I always say na naturuan ako ni Rabin na makisama lalo.

“Ako po kasi mahiyain sa una. So hindi pala maganda tingnan na hindi ako masyado nakikipag-usap sa mga tao, nami-misinterpret po ‘yun.

“So with Rabin parang hindi naman niya ako tinuruan. Na observe ko lang po ‘yung habit niya po talaga na mag-greet sa mga tao, kilalanin ang mga tao.

“Minsan kini-quiz niya ako, mag-ha hi ako, ‘hello po,’ tapos tatanungin niya ako kung kilala ko ‘yung tao. Sasabihin ko, ‘oo kilala ko,’ tapos sasabihin niya, ‘good.’

“Nakatutuwa lang po na mayroon akong things na napi-pick up from him na, I know na it affects my life positively.” 

Ayon naman kay Rabin, “Marami pong nabago sa akin, napahaba niya ‘yung pasensiya ko. 

“Andami niya pong itinuturo sa akin, pati po pag-e-English dito sa ‘DAP’ (Dating Alys Perez), tinuruan niya po ako.”

Nagpasalamat din si Rabin sa kanilang mga tagahanga sa walang sawa at solid na suportang ibinibigay sa kanila ni Angela.

Nangako rin ito na mas gagalingan pa ang kanilang trabaho para sa kanilang fans.

“Sa lahat po ng mga taong sumusuporta sa amin simula ‘Seducing Drake Palma’ hanggang ngayon, gusto ko lang pong magpasalamat sa inyong lahat. 

“Alam niyo po ‘yan kung gaano ako ka-thankful sa inyo. Mahal na mahal namin kayong lahat, gagalingan pa po namin, marami pa po kaming matututunan.”

Makakasama nina Rabin at Angela sa Dating Alys Perez si Zeke Polina sa direksiyon ni Crisanto B. Aquino, now streaming on Viva One.