Marian Rivera gustong bigyan ng diamonds ng may-ari ng Maddox
MATABIL
ni John Fontanilla
NAGING napakamatagumpay ang katatapos na Maddox Jewelry star-studded fashion show na ginanap sa Isla Ballroom ng Edsa Shangri-la Hotel noong July 30 sa pangunguna ng CEO & President ng Maddox Jewelry na si Charo Cordial.
At bago nga nagsimula ang bonggang fashion show ay nagkaroon ng presscon na natanong si Ms Charo kung sino bang celebrity ang gusto niyang bigyan ng diamond?
Ayon kay Ms Charo, “Isa talaga sa gusto ko talaga na makilala si Marian Rivera, kasi ang ganda-ganda niya.”
Ikinuwento rin nito kung paano sila nagkakilala ni Claudine Barretto.
“Actually si Ms Claudine (Barretto) before na ka-blog ko, tumatawag na siya.
“Tumatawag na siya kasi nag-i-inquire siya para bumili hindi lang siya natutuloy,” anang may-ari ng Maddox Jewelry.
Ibinahagi rin ni Ms Charo ang sikreto ng kanyang tagumpay.
“Mahalin po ‘yung ginagawa, kung ano po ‘yung ginagawa natin mahalin po natin.
“Mahalin po natin ‘yung mga empleado, mahalin po natin ‘yung costumer.
“Ibigay po natin sa kanila ‘yung serbisyong gusto nila.”
Nagbigay din ito ng payp sa mga gustong pasukin ang pagnenegosyo ng alahas.
“’Wag po sila matakot magkamali, kasi sa lahat po ng pagkakamali roon po tayo matututo.,
“Nagkamali rin ako, nalugi rin ako. Before may pinasok akong negosyo before pa ito (alahad), nakaranas ako ng faillure sa business, ibang linya naman ito.”
Ilan sa mga artistang rumampa sa starstudded Maddox Jewelry Fashion Show ay sina (Icon of Forms and Radiance)—Ryza Cenon, Diego Loyzaga, AJ Raval ,Aljur Abrenica, Kris Bernal,Edgar Allan Guzman, Polo Ravales, Sheree Bautista, Pancho Magno, Negi, Aubrey Miles, Troy Montero; (Icons of Brilliance and Elegance)—Katrina Halili, Diana Zubiri, Katya Santos,James Blanco,Nadine Samonte, Daiana Menezes, Geneva Cruz, Giselle Sanchez, Nana, Avery Cordial, Ara Mina; (Icons of Timelessness)—Beauty Gonzales, Maureen Larrazabal, DJ Durano, Ynez Veneracion, Regine Tolentino, Jeric Raval,Gary Estrada, Alma Concepcion, Pokwang, at Claudine Barretto; at (Icons of Legacy)—Amy Austria, Jackie Lou Blanco, Yayo Aguila, Gardo Versoza, Epy Quizon, Eric Quizon, Roderick Paulate, at Carmi Martin.