Friday , June 2 2023
Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy
Pingkian LOGO Ruben Manahan III

‘Ending’ ng Endo posible pa ba?

SA dami ng sinabi ng Pangulong Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA), isa ang mariing tumatak sa ating isipan. Inamin ng Pangulo na hindi niya kayang tapusin ang problema ng ‘endo’ sa bansa.

Ayon sa Pangulo, imposibleng mabigyan ng solusyon ang problemang ito kung hindi siya tutulungan ng Kongreso. Hindi umano siya binigyan ng Konstitusyon ng kapangyarihan para bigyan ng ‘ending’ ang endo.

Sa kabila nito, ipinagmalaki naman niya na mahigit 300,000 manggagawa na ang naging regular sa trabaho sa unang bahagi pa lamang ng taong 2018 dahil sa kampanya ng Department of Labor and Employment (DOLE) kontra sa endo. Kahit limitado ang kapangyarihan, parang sinabi na rin ng Pangulo na hindi naman natutulog sa pansitan ang kanyang Kalihim sa DOLE na si Sec. Bebot Bello.

Gaano nga ba kalala ang problema ng endo sa bansa?

Batay sa huling Integrated Survey on Labor and Employment (ISLE) ng Philippine Statistics Authority (PSA), karamihan o 54 porsiyento ng 31,227 establisimiyento na may higit 20 manggagawa ay  kumukuha lamang ng mga trabahador galing sa mga ahensiya. Ito ‘yung mga mga ahensiya na walang regular na empleyado at nagsusuplay lang ng kontrak­tuwal na lakas paggawa sa mga kompanya.

Hindi ilegal ang mga ahensiyang ito. Ang problema, ang mga manga­gawa sa mga ahen­siyang ito ang kadalasang biktima ng ‘endo.’ Wala silang kasiguruhan sa trabaho at tina­tanggal sa puwesto matapos ang limang buwan. Kaya nga ang endo ay tinatawag din minsan na sistemang ‘5-5-5.’

Bakit limang buwan lamang ang kontrata? Ayon kasi sa Labor Code, kailangang gawing regular na empleyado ang mga trabahador na lalagpas sa anim na buwan ang serbisyo. Kaya nga nakagawian na ng ilang kompanya na tanggalin sa trabaho ang empleyado bago umabot sa anim na buwan ang serbisyo.

Bakit naman, ‘ika ninyo, ayaw gawing regular ang mga trabahador kahit na mahalaga ang gawain nila sa kompanya? Kung hindi regular ang empleyado, malaki ang natitipid ng kompanya. Hindi sila nagbabayad ng kontribusyon sa SSS, PhilHealth at Pag-Ibig Fund. Naka­titipid din sa pag­babayad ng sick leave, vacation leave at maternity leave na itinatakda ng batas.

Para maiwa­san ang pagre-regular sa mga empleyado, naging taktika na ng ilang kompanya na mag­tayo ng sarili nilang ahensiya na taga-suplay lamang ng kontraktuwal na empleyado sa kanilang negosyo. Sa ganitong paraan, naiikutan nila ang batas sa regularisasyon.

Natutuwa tayo at hinahabol ng DOLE ang mga kompanyang ito. Ang tanong lamang, may sapat bang bilang na inspektor ang departamento para mainspeksyon ang libo-libong kompanya na kailangang busisiin nila? Susunod nga ba ang ang mga kompanya kung sisitahin ng DOLE gayong walang mabigat na parusang nakaamba sa mga kompanyang lumalabag sa batas?

Ang nakalulungkot pa, nasa Kongreso na naman ang bola para tuluyang wakasan ang problema sa endo. Gaano na ba katagal tayong nadidribol sa iyung ito? Aasahan pa ba natin na magpapasa sila ng batas na magbabawal nang tuluyan sa sistema ng kontraktuwalisasyon at magpapataw nang mabigat na parusa sa mga lalabag nito?

Suntok man sa buwan, hindi pa rin tayo nawa­w­alan ng pag-asa. Maliban na lang kung totoo ang sinabi ni Elsa sa pelikula. “Walang himala,” ‘ika niya.

PINGKIAN
ni Ruben Manahan III

About Ruben III Manahan

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Solusyunan ang unemployment, Mr. President

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Nabunyag sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mga bugok sa QC hall, magbago na kayo

AKSYON AGADni Almar Danguilan Mayroon pa palang mga bugok na kawani sa Quezon City Hall. …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Panibagong fertilizer scam?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. TILA walang katapusan ang pagpapalabas ng Department of Agriculture …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Gera ni MGen. Okubo vs “1602”; si J. Bernardino at “137” sa Las Piñas

AKSYON AGADni Almar Danguilan KALIWA’T KANAN na naman ang operasyon ng limang distrito ng pulisya …

Dragon Lady Amor Virata

Extension ng SIM card registration tigilan

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HUWAG na sanang magkaroon ng extension para sa SIM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *