INAMIN ni Dr. Susan “Susie” Mercado na tobacco at hindi communicable and infectious disease ang kanyang forte matapos punahin ang doktor sa mga pahayag niya laban sa Dengvaxia.
Walang karanasan sa medical research si Mercado tulad ni Dr. Tony Leachon na isang heart surgeon. Kabilang sina Leachon at Mercado sa mga naunang nagbigay ng negatibong pahayag hinggil sa dengvaxia.
Sila rin ang unang nagpahayag na mayroong epidemya ng severe dengue sa Filipinas. Pinabulaanan ito ng Department of Health.
Sinabi ni Mercado na tanging kanya at walang basehan sa mga pag-aaral ng World Health Organisation (WHO) ang kanyang mga pananaw laban sa Dengvaxia, ang kontrobersyal na anti-dengue vaccine na binabalot na ngayon ng intriga.
Sa panayam kay Mercado sa radio programa ni Junry Hidalgo na Radyo Patrol balita sa DZMM-Teleradyo, inamin ni Mercado, sa kabila ng pagiging kinatawan ng WHO sa Filipinas, hindi umano balot ng siyensiya ang kanyang mga pananaw hinggil sa Dengvaxia.
Hindi pa umano siya gumawa ng mga pag-aaral hinggil sa dengue at personal ang kanyang mga pananaw hinggil dito.
Inamin din ni Mercado na wala siyang pag-aaral na isinagawa hinggil sa Dengvaxia at walang sapat na kuwalipikasyon upang magsalita laban sa bakuna.
Hindi rin aniya epidemiologist at medical researcher si Mercado kaya naman walang basehan ang mga pahayag niyang nakamamatay ang Dengvaxia.
Sang-ayon sa World Health Organization, promoter ng public health si Mercado at espesyalista sa non-communicable disease, tobacco abuse at mental abuse.
Wala umanong sapat na kakayahan si Mercado na sabihing may negatibong epekto sa kalusugan ng mga tao sapagkat hindi kailanman siya naging medical researcher at walang mga pag-aaral na isinagawa sa Dengvaxia.