Tuesday , October 15 2024
dengue vaccine Dengvaxia money

Anomalya sa Dengvaxia ikakanta ng DOH exec (Star witness ng VACC)

IKAKANTA ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) ang mga anomalya sa Dengvaxia vaccination program sa imbestigasyon na isasagawa ng Palasyo.

Naghain sa Office of the President kahapon ng mga kasong gross negligence at grave misconduct ang grupong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) laban sa 14 opisyal ng DOH at hiniling na suspendehin sila habang isinasagawa ng Malacañang ang pagsisiyasat sa isyu ng Dengvaxia scam.

Ayon kay dating Biliran Rep. Glen Chong, miyembro ng VACC, nakahandang tumestigo si DOH Project Manager Dr. Calrito Cairo sa imbestigasyon ng Palasyo sa mga opisyal ng health department.

Nakasaad sa 600-pahinang reklamo na isinumite ng VACC, nilabag ng mga opisyal ng DOH ang medical protocols at ina-pura ang implementas-yon ng mass vaccination.

Naniniwala sina Chong, Atty. Nasser Marojomsalic, at Atty. Manny Luna, pawang complainants laban sa DOH officials, na kasabwat si dating Pangulong Benigno Aquino III sa Dengvaxia scam.

“It was approved, it was railroaded, with the participation of (former) president Aquino. He met with the officials of the Sanofi in France sometime December 2 and it was approved by the FDA, the Food and Drugs Administration on December 22, 2015,” ani Chong.

Kaugnay nito, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa lusot ang Sanofi sa pananagutan sa Dengvaxia scam.

“Let us not make any conclusion either way. And I’m also appealing to even some members of the government, wala pa pong final findings ang NBI, antayin po natin iyan. No one is responsible and yet, no one is off the hook at this stage. Dream on, Sanofi,” aniya.

Inihayag ng Sanofi kahapon, hindi na nila ibabalik ang bayad sa gobyerno para sa mga hindi nagamit na Dengvaxia vaccine.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Bong Revilla Jr Lani Mercado MMDA

Sen Bong ipinangako pelikulang Filipino bubuhayin; 15,000 beneficiaries  nabiyayaan sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKALULULA ang napakaraming movie workers na nagtungo para makiisa sa Bagong …

itak gulok taga dugo blood

Sa Surigao del Norte
4-ANYOS TOTOY PATAY SA SUNDANG

NADAKIP ng pulisya ang isang magsasaka matapos iturong suspek sa pananaga at pamamaslang sa isang …

Dumbbell blood

Hinampas sa ulo ng dumbbell
OFW UTAS SA ‘BULONG’ NA NARINIG NI MISIS

KAMATAYAN hindi pagmamahal ang napala ng isang 62-anyos engineer at dating overseas Filipino worker (OFW) …

P8.3-M ECSTASY coffee beans BoC Customs

Inihalo sa coffee beans
P8.3-M ‘ECSTASY’ NASABAT NG BoC

NABUKING ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang mga tableta ng ‘ecstasy’ na …

Bulacan kinilala bilang Top 1 Province sa Local Source Revenues para sa FY 2022

Bulacan kinilala bilang Top 1 Province sa Local Source Revenues para sa FY 2022

NAGDAGDAG ng panibagong karangalan ang lalawigan ng Bulacan, kinilala bilang Top 1 Province in Local …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *