Wednesday , February 28 2024
Krizle Mago missing, Pharmally, Money

Pharmally exec ‘missing in action’

092721 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

‘NAWAWALA’ ang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na nagsiwalat na ginantso ng kompanya ang gobyerno.

“Pharmally Pharmaceutical official Krizle Mago hindi na ma-contact ng Senate Blue Ribbon Committee! Noong ika-siyam na pagdinig ay inalok natin siya ng pagkakataon na mabigyan ng proteksiyon ng Senado ngunit nais niya muna raw pag-isipan ito,” ayon kay Sen. Richard Gordon sa kanyang Twitter account kahapon.

Krizle Mago, Pharmally

Sa pagdinig ng komite noong Biyernes, kinompir­ma ni Mago ang pahayag ng dati nilang warehouse staff na iniutos niyang palitan ang certificate sa 2021 mula sa 2020 sa mga face shield para palabasin na hindi pa ito expired.

Ngunit ito aniya ay direktiba sa kanya ni Pharmally corporate treasurer and secretary Mohit Dargani.

Nang tanungin si Mago ni Gordon kung itinuturing ba niya itong swindling o panggagan­tso sa gobyerno, sagot niya, “I believe so, Mr. Chairman.”

Nangako si Mago na makikipagtulungan sa imbestigasyon ng komite ngunit matapos ang pagdinig noong Biyernes ay hindi na siya makontak.

Bukod sa ginantso ang gobyerno sa pagbe­benta ng Pharmally ng expired face shields, inamin rin ni Mago sa Senate hearing na ginawa siyang nominee ng korporasyong Business Beyond Limits Corporation na binuo ng grupong nasa likod ng Pharmally upang maki­pagtransaksiyon sa gobyerno hanggang nakapag-bid ng kontra­tang nagkakahalaga ng P37,870,000.

Ayon kay Mago, itinalaga siya bilang nominee ni Sophia Custodio, incorporator ng Business Beyond Limits, para gamitin ang kanyang kaalaman gaya ng preparasyon ng bidding documents.

Inamin ni Dargani, karelasyon niya si Custodio na nakasungkit ng P37-M kontrata para mag-supply ng face shield sa Department of Health (DOH) noong Hunyo 2021 kahit ang kompanya ay itinatag lamang noong Hunyo 2020.

Pinahaharap din sa Senado si Custodio sa susunod na pagdinig.

About Rose Novenario

Check Also

Mr DIY Team Kramer 500 1

Team Kramer Joins MR.DIY in Celebrating 500th Store Milestone in Panglao, Bohol

MR.DIY Philippines CEO Roselle Andaya, alongside Doug and Cheska Kramer, jointly pressed the button to …

SM Foundation farmer 1

From passion to prosperity
SM Foundation farmer-beneficiary now an agripreneur, draws inspiration from Henry Sy, Sr.

KSK alumna Virgie with some of her mushroom chicharon products Gone are the days when …

Buddy Encarnado NCRAA

Bago, talentadong local cager target sa NCRAA 30th Season

HANGAD ni General Manager Buddy Encarnado, dating PBA chairman at team governor ng Sta. Lucia, …

Krystall Herbal Oil

Insekto at kulubot pinatalbog ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Good morning …

April Aguilar Brgy Pilar Las Piñas

VM Aguilar pinangunahan ang pagtulong sa mga nasunugan sa Brgy. Pilar

PINANGUNAHAN ni Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang pamamahagi ng tulong sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *