Sunday , September 26 2021

Tag Archives: Pharmally Pharmaceutical Corporation

‘Face shield’ hindi na kailangan sa labas – Duterte

Duterte, Face shield

HINDI na kailangan magsuot ng face shield kapag nasa labas ng kanilang bahay maliban kung nasa lugar na sarado, siksikan, at may close contact sa ibang tao. Inihayag ito kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People. “I was informed by technical working group and medical experts, puwede na tanggalin sa labas. No more face shields outside. …

Read More »

Forensic audit susudsod sa P8.7-B ibinayad ng Duterte admin sa Pharmally (Follow the money trail)

Duterte, Pharmally, Money

MAGKAKABISTOHAN kung kanino napunta o sino ang mga nakinabang sa P8.7 bilyong ibinayad ng administrasyong Duterte sa Pharmally Pharmaceutical Corporation para sa medical supplies noong isang taon. Ayon kay Senator Richard Gordon, kukuha ng forensic auditor ang Senado upang matunton kung saan napunta ang bilyon-bilyong pisong ibinayad sa Pharmally na kinukuwestiyon ng mga senador. “Kailangan natin ngayon, kukuha kami ng …

Read More »

P550-M Covid-19 test kits nag-expire (Binili ng PS-DBM)

092221 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO SA KABILA ng panawagan ng iba’t ibang grupo para sa libreng mass testing noong isang taon, nabisto kahapon sa Senado na hindi ginamit at nag-expire lang ang P550-M halaga ng CoVid-19 test kits na binili ng administrasyong Duterte. Isiniwalat ito ni Sen. Francis Pangilinan sa pagdinig sa Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng P10-B halaga ng medical …

Read More »

Yaman nina Yang, Lao, at Pharmally directors dapat i-freeze — De Lima

AMLC, Pharmally

HINILING ni Senadora Leila de Lima sa  Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang agarang pag-freeze sa mga yaman at ari-arian ng Pharmally Pharmaceutical Corporation executives kasunod ng pagtawag sa kanila na “soulless monsters” batay sa takbo ng imbestigasyon ng senado ukol sa pagbili ng luxury cars matapos makuha ang multibillion-peso worth of government contracts. Ayon kay De Lima, Chairwoman ng Senate …

Read More »

Kickback sa Sinovac imbestigahan

Antonio Trillanes, COVID-19 Vaccine

NANAWAGAN si dating Sen. Antonio Trillanes IV sa Senado na imbestigahan din ang mga kontratang pina­sok ng administrasyong Duterte sa pagbili ng bakuna. Kombinsido si Trillanes na hindi la­mang sa pagbili ng medical supplies kumi­ta nang malaki ang ilang opisyal ng pama­halaan kundi nagkaroon din ng kickback sa bakuna. Kapag inilarga aniya ang imbesti­ga­syon sa pagbili ng bakuna ay makikita na …

Read More »

‘Taya’ ni Yang sa Pharmally ‘pitik’ sa P42-B pandemic funds ng DOH

Michael Yang, Pharmally, DOH, PS-DBM,

AALAMIN ng mga senador kung ang P7-B ipinautang umano ni dating presidential economic adviser Michael Yang sa Pharmally Pharmaceutical Corporation ay galing sa P42-B pondo ng Department of Health (DOH) na ipinasa sa Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM). Inihayag ito ni Sen. Risa Hontiveros sa panayam sa After the Fact sa ANC kagabi. “Posibleng itunuring ng ilang taga-PS-DM, …

Read More »

Bagong ‘variant/s’ ng ‘lockdown’ – iwinasiwas na (IATF eksperto sa coining ng terms)

IATF Covid-19

BULABUGINni Jerry Yap MALAPIT nang magkaroon ng ‘award’ ang mga bumubuo ng Inter-Agency task Force (IATF), hindi sa  kahusayan kung paano limitahan ang galaw o panghahawa ng CoVid-19 lalo ng Delta variant, kundi dahil sa ‘napakahenyong’ paglikha ng mga salita (coin) o parirala (phrase) para maging bago ang tunog ng ‘lockdown’ sa mamamayang Filipino. Pagkatapos ng ECQ, GCQ, MECQ, granular …

Read More »

P2-B hindi idineklara ng Pharmally sa ITR

BIR Money Pharmally

HALOS P2 bilyon ang nabigong ideklara ng Pharmaly Pharmaceutical Corporation sa kanilang income tax report (ITR). Ito ang nabunyag sa pagtatanong ni Senador Imee Marco, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa kontrobersiyal na pondong ipinambili ng face shields, facemasks at iba pang personal protection equipment (PPE). Batay sa dokumentong isinumite ng Pharmally sa Senado, lumalabas …

Read More »

QC congressional wannabe, business pal ni Michael Yang (Asawa itinurong ‘druglord’ sa intel report)

Rose Nono Lin, Lin Weixiong, Allan Lim

IPINATATAWAG ng Senate Blue Ribbon Committee ang mag-asawang kasosyo ni dating presidential economic adviser at Pharmally Pharmaceutical Corporation financier Michael Yang upang alamin ang koneksiyon sa illegal drug trade.      Inisyu ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon ang subpoena laban kina Lin Weixiong at asawa nitong si Rose Nono Lin, sinabing kasosyo ni Yang.      Pinaniniwalaang si Lin …

Read More »

Pharmally naglaba ng ‘dirty money’ sa pandemya (AMLC pasok sa probe)

091321 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO MAAARING drug money ang ginamit na puhunan ng Pharmally Pharmaceutical Corporation para pondohan ang nasungkit na P8.6-B kontrata ng medical supplies mula sa administrasyong Duterte kaya walang money trail o walang bakas kung saan nanggaling ang puhunan ng kompanya. Inihayag ito ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon  kaya hiniling niya sa Anti-Money Laundering Council …

Read More »

Sindikato sa P8.7-B overpriced pandemic supplies ilalantad (Whistleblower kakanta sa Senado)

Senate Whistleblower, PS-DBM, Pharmally, DOH Money

IKAKANTA ngayon sa Senate Blue Ribbon Committee ng isang whistleblower kung sino ang bumubuo ng ‘sindikato’ na responsable sa pagbili ng P8.7 bilyong overpriced medical supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation. Isiniwalat ni Sen. Panfilo Lacson, may bagong testigo na dadalo ngayon sa Senado na magbubunyag ng sindikato sa maanomalyang pagbili ng Department of Health (DOH) at Procurement Service – …

Read More »

Michael Yang ‘enkargado’ ni Duterte (Sa pro-China policy)

Rodrigo Duterte, Michael Yang, China

ni ROSE NOVENARIO LUMAKAS ang loob ni Pangulong Rodrigo Duterte na  kumiling sa China, hindi bilang state leader na inihalal ng 16 milyong Filipino, kundi dahil sa tulong ng ‘enkragado’ niya sa Beijing, ang inaangking kaibigang si Michael Yang. Inamin ito ni Pangulong Duterte kahapon sa national convention ng PDP-Laban na ginanap sa Laus Group Event Centre, San Fernando City, …

Read More »

Isko sa Duterte admin: Gamot muna kaysa plastik na face shield

Isko Moreno, Face Shield, Remdesivir, Tocilizumab

“GAMOT muna kaysa plastic, ‘yun ang bilhin natin.” Panawagan ito ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa administrasyong Duterte kaugnay sa pagtugon sa pandemyang dulot ng CoVid-19. Iginiit ng alkalde ang pangangailangan sa mga gamot para sa CoVid-19 gaya ng Remdesivir at Tocilizumab. “Ang daming naghahanap ng Tocilizumab…Itong gamot na ‘to nakatutulong sa tao,” sabi ng alkalde. Aabot aniya …

Read More »

Pharmally kompanyang fly by night (Tax clearance kinuwestiyon)

BIR Money Pharmally

ni ROSE NOVENARIO LUMALABAS na hindi rehistrado sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Pharmally Pharmaceutical Corporation base sa pahayag ni Sen. Franklin Drilon na wala itong tax clearance pero nakasungkit ng kontratang P10-B halaga ng medical supplies sa administrasyong Duterte.  Giit ni Drilon, para makasali sa government bidding ang isang kompanya ay kailangan makakuha ng tax clearance mula sa …

Read More »

Michael Yang ‘pagador’ ng Pharmally — Duterte

ni ROSE NOVENARIO HINDI na mahihirapan ang Senado na ungkatin ang papel ng dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kuwestiyonableng kontrata ng Pharmally Pharmaceuticals Corporation dahil mismong punong ehekutibo’y inamin na pagador siya ng kompanyang nakasungkit ng P8.6-bilyong overpriced medical supplies.   Sinabi ito ng Pangulo kasunod ng pagtatanggol kung bakit niya itinalagang economic adviser si Michael Yang, …

Read More »