Tuesday , October 19 2021
Antonio Trillanes, COVID-19 Vaccine

Kickback sa Sinovac imbestigahan

NANAWAGAN si dating Sen. Antonio Trillanes IV sa Senado na imbestigahan din ang mga kontratang pina­sok ng administrasyong Duterte sa pagbili ng bakuna.

Kombinsido si Trillanes na hindi la­mang sa pagbili ng medical supplies kumi­ta nang malaki ang ilang opisyal ng pama­halaan kundi nagkaroon din ng kickback sa bakuna.

Kapag inilarga aniya ang imbesti­ga­syon sa pagbili ng bakuna ay makikita na walang puso si Pangu­long Duterte at hindi nag-aatubiling pagka­kitaan ang pandemya.

“Hindi pa nila naimbestigahan itong sa vaccine. Kung magkano ang kuha nila riyan. Malaki ang ipinatong nitong Duterte admin dito sa mga kinuhang vaccine sa China, itong Sinovac. Kaya sana ay makalkal din nila iyan, kasi dito makikita kung gaano kawalang puso sina Duterte. Grabe itong pandemya na ito pero sila hindi maghe-hesitate na pagkakitaan ito,” sabi ni Trillanes sa panayam sa DZMM Tekeradyo kaha­pon.

Matatandaang ina­min ng administrasyong Duterte na may nilagdaan itong non-disclosure agreement sa mga kompanya ng bakuna.

Hinimok ni Trillanes ang publiko na magalit sa nalalantad na korupsiyon sa administrasyon Duter­te upang matuldukan na ang nakawan sa gobyer­no.

“Sana’y magalit naman ang mga Filipi­no, kasi kapag hindi kayo magagalit, iisahan at iisahan kayo, nana­kawan at nanakawan kayo nitong mga ito,” ani Trillanes.

Bagama’t huli na aniya ang pagkontra ng ilang senador sa kati­wa­lian sa adminis­tra­syong Duterte, ipinag­pasalamat na rin ito ng dating senador.

Sa pinakahuling pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa kuwestiyonableng P8.7 bilyong medical supplies contract ng Pharmally Pharmaceutical Corporation, nabunyag na namili ng luxury vehicles ang mga opisyal ng kompanya matapos bayaran ng gobyerno.

Isiniwalat din na kahit hindi pa nabibig­yan ng presyo, walang notice of award, walang request for quotation at purchase order ay nag-deliver ang Pharmally ng dalawang milyong pirasong face masks sa Procurement Service-Department of Budget and Management.

Tinawag na pipitsuging politiko o cheap politician ni Sen. Dick Gordon si Pangu­long Duterte dahil sa pagtatanggol sa mga opisyal ng PS-DBM at sa kontrata ng Pharmally at maging sa dati niyang economic adviser na si Michael Yang na financier ng kompanya.

Ipagpapatuloy bu­kas ng Senado ang pagsisiyasat sa isyu.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

PLUNDER, GRAFT CASE VS BELMONTE, BLACK PROGANDA — ATTY. CASIMIRO

BALEWALA ay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang akusasyong ‘plunder’ at ‘graft’ na inihain laban …

Quezon City QC Joy Belmonte

Pagtaas ng amilyar pinabulaanan
RPT SA KYUSI MANANATILI

PINABULAANAN ng pamahalaang lokal ng Quezon City nitong Lunes ang mga pahayag ni Anakalusugan Partylist …

Janine Gutierrez

Janine Gutierrez itinanggi basang kili-kili tweet; BBM supporters kuyog

FACT SHEETni Reggee Bonoan MARIING itinanggi ni Janine Gutierrez ang umano’y viral tweet niya na pinansin …

BI detainee ipina-deport kahit may pending RTC case?!

BULABUGINni Jerry Yap ANO raw kaya itong napipintong pasabog tungkol sa isang detainee ng Bureau …

101821 Hataw Frontpage

Exclusive: Pinay sa Kuwait patay sa ‘sadiki’ bday girl nag-suicide (Nalason sa selebrasyon)

HATAW News Team ISANG 26-anyos overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait ang na-comatose hanggang tuluyang …

Leave a Reply