Global arrest warrant, nakaamba kay Duterte
NAKAAMBA ang global arrest warrant kay Pangulong Rodrigo Duterte kapag iniutos ng International Criminal Court (ICC) na dakpin siya sa kasong crimes against humanity of murder kaugnay sa mga patayan sa isinulong niyang drug war.
Paliwanag ni dating Sen. Antonio Trillanes IV, isa sa naghain ng reklamo sa ICC, pandaigdigan ang bisa ng warrant of arrest ng ICC kaya ang sinomang bansa na signatory sa Rome Statute ay puwedeng arestohin si Duterte.
βSa ICC kasi kapag insyuhan ka ng warrant, walang piyansa βyun. Tapos ang enforcement niyon ay global. So may global arrest warrant ka. Kapag napunta ka sa isang bansa na signatory doon sa Rome Statute na nag-create sa ICC, ay obligado ang estado na βyun na i-turnover ka sa ICC,β sabi ni Trillanes sa DZMM Teleradyo kahaΒpon.
Kapag oposisyon ang nanalong presidente sa 2022 ay ihahatid aniya nang nakaposas si Duterte sa ICC.
Sa inihain niyang reklamo sa ICC laban kay Duterte, isinama niya ang mga patayan na kagagawan ng Davao Death Squad noong 201o mula nang naging miyembro ang Filipinas sa ICC, nang alkalde pa ang presidente sa siyudad upang ma-establish ang pattern ng polisiya ng patayan na ipinatupad nito.
βSinubmit natin pati βyung patayan sa Davao ng Davao Death Squad para ma-establish ang pattern na hindi ito bago. Hindi masasabi nilang nangyayari na kusa lang. Ipinakita rito na noong mayor si Duterte sa Davao, patayan na ang polisiya kaya nang naging presidente na siya na-establish na ang ganitong pattern of behavior ni Duterte at kanyang mga alipores.β
βSo iyan ang maliwaΒnag na ebidensiya, tayong saksing buhay tayong lahat, naririnig natin siya na sinasabi niya iyon, nakikita natin βyung mga pinatay.β
May mga testigo na rin aniyang hawak ang ICC laban kay Duterte.
Kompiyansa si Trillanes na ilang buwan na lang ang hihintayin at magbubukas na lahat sa ICC ang mga dokumento ng gobyerno sa imbestiΒgasyon dahil kandidato ng oposisyon ang maluΒluklok sa MalacaΓ±ang.
βHindi naman masoΒkista ang mga Pilipino. Grabe na ang ginawa ng mga ito the past five years na nabudul-budol sila. Manloloko ang mga ito, noong 2016 grabe ang mga pangako nila. Grabe βyung sinabi nila, βyun pala sila βyung Godfather ng mafia ng sindikato.
Nakikita na ng mga kababayan natin. Hindi ganon ang mga Filipino. Makaloloko sila one time pero hindi sila makaΒkaonse all the time, hindi βyan nangyayari sa mga Filipino, historically namumulat. Iβm confident about it, true change or genuine change would come in 2022,β ani Trillanes.
Nauna ritoβy inihayag ni Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Karen Dumpit na makikipagΒtulungan ang komisyon sa imbestigasyon ng ICC kahit ayaw ni Pangulong Duterte.
Kahit harangin ang pagpasok sa bansa ng ICC investigators, hindi naman kailangan ang pisikal na presensiya nila dahil nagsasagawa ito ng open source investigations.
βThe ICC now does open source investigations that means there is also precedent using social media evidence in addition to like Zoom meetings in international criminal prosecution,β sabi ni Dumpit sa After the Fact sa ANC kamaΒkailan.
Inihalimbawa niya ang kaso ni Al Werfalli, Libyan military general, na akusado ng war crimes na isinailalim sa open source investigation at inisyuhan ng warrant of arrest ng ICC kahit hindi nakipagtulungan sa pagsisiyasat.
Batay sa ulat, ginamit na ebidensya laban kay Werfalli ang mga ipinaskil na pitong video sa social media na nagpakita na pinatay niya o inutusang paslangin ang mga bilanggo sa Benghazi kaya naglabas ng warrant of arrest laban sa kanya ang ICC. Inaresto ng Libyan National Army si Weraflli matapos ilabas ng ICC ang warrant of arrest ngunit nakatakas siya at napatay sa ambush noong Marso 2021.
Para naman kay Atty. Kristina Conti ng Rise Up, grupo ng mga abogado na tumutulong sa mga naulila dahil sa drug war, puwedeng humihing ng tulong ang ICC sa sangay ng lehislatura at hudikaΒtura kung ayaw makipagΒtulungan sa kanila ng ehekutibo. (ROSE NOVENARIO)
