Oplan tokhang ebidensiya sa ICC vs EJKs

ni ROSE NOVENARIO
ISUSUMITE ng mga abogado ng mga pamilya ng mga pinaslang sa Duterte drug war ang dokumento ng Operational Plan o OPLAN Tokhang sa International Criminal Court (ICC) bilang ebidensiya na naglunsad sa malawakan at sistematikong patayan sa isinulong na drug war ng administrasyong Duterte.
Sinabi ni Atty. Kristina Conti ng Rise Up, ang isa sa grupo ng mga abogado na tumutulong sa mga pamilyang naulila ng Duterte drug war, kailangan ng ICC malaman kung sino ang may kasalanan sa crimes against humanity of murder kaugnay sa Duterte drug war.
โKami sa NUPL (National Union of Peopleโs Lawyers at sa Rise Up, handa kaming magbigay o magpresinta ng original documents dito sa ICC. Statements o documents mula sa gobyerno kabilang na ang command memorandum na inisyu noong July 1, 2016 na itinuturo ng kalakhan maging ng gobyerno na parang ito ang dokumentong Tokยญhang. Unang-unang dokumento patungkol sa Oplan Tokhang,โ ayon kay Conti sa panayam sa DZMM Teleradyo kahaยญpon.
Nasilip aniya ng kanilang grupo na sa dokumento ay may nakaยญsaad na โto neutralize suspectsโ kapag hindi nakipagtulungan sa mga pulis, hindi pumayag na magbagong buhay o hindi pumasok sa drug rehabilitation center.
Sa mga police reports aniya matapos mapatay ng mga pulis ang drug suspects ay laging nakalagay na โwe neutralized suspect.โ
โPero alam nโyo po may termino kaming napansin, ito ang word na โneutralize.โ Ito ang sinabi nila na gagawin, โto neutralize suspectsโ kumbaga kung hindi makikipag-cooperate. Na-carry over itong termino na ito sa mga police reports.โ
โAt ang sabi sa police reports, ay we saw suspect , ito na lang paraphrasing , nakita namin ang suspect, meron siyang baril , nakita niya na kami ay pulis, at napilitan kaming lumaยญban , binaril namin siya. Nauna siyang bumaril. Iyan ang unang elemento, siya ang unang bumaril, ang suspek, at binaril namin siya. And so we neutralized the suspect.โ
Sa maraming police reports aniya, โyung โneutralizeโay ginamit ng mga pulis sa konteksto na pinatay namin ang suspek.
โKaya kung sasabihin may papel ba โtong patayan, ituturo pa namin iyon although it isnโt explicitly outright stated. Of course if you will not categorically say you will kill suspects during police operations, buy bust operations, thatโs illegal so we can question the constitutionality of the act in that document, kaya we have to read between the lines,โ giit ni Conti.
Kaya ang koneksiyong itoโy inihapag nila sa Office of the Prosecutor para pag-aralan kung ano nga ba ang naintindihan ng pulis patungkol dito sa โneutralizeโ o baka naman sa likod ng papel na ito may iba pa, sabi ni Conti.
Kapag nagmatigas aniya ang sangay ng ehekutibo na hindi makikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC, puwede naman mangยญhingi ng tulong sa lehisยญlatura at hudikatura, sa Supreme Court at sa Commission on Human Rights (CHR).
โKahit news reports puwede mag-rely ang ICC, โyung Office of the Prosecutor, para sabihin meron crimes against humanity sa Filipinas,โ ani Conti.
Nauna nang tiniyak ng CHR na makikipagยญtulungan sa imbestigaยญsyon ng ICC kahit idineklara ng Malacaรฑang na hindi papapasukin ang mga imbestigador sa Filipinas.
Katuwiran ni CHR Commissioner Karen Dumpit, hindi kailangan ang pisikal na presensiya ng mga imbestigador dahil nagsasagawa naman ng open source investigations ang ICC.
โThe ICC now does open source investigations that means there is also precedent using social media evidence in addition to like Zoom meetings in international criminal prosecution,โ ani Dumpit sa After the Fact sa ANC kamakailan.
Inihalimbawa niya rito ang kaso ni Al Werfalli, isang Libyan military general, na akusado sa war crimes na isinailalim sa open source investigation at inisyuhan ng warrant of arrest kahit hindi siya nakipagยญtulungan sa pagsisiyasat ng ICC.
Napaulat na ang ginamit na ebidensiya laban kay Werfalli ay ang pitong video na ipinaskil sa social media na nagpakita na pinatay o inutusan niyang pasยญlangin ang mga bilanggo sa Benghazi.
Matatandaan sa kaso ni Pangulong Duterte, ang mga pahayag niyang โI will kill youโ sa mga drug suspects ay puwedeng maging pruweba laban sa kanya sa ICC, ayon kay Atty. Ruben Carranza, isang international law expert.
Kailangan aniyang ikonsidera ang mga resulta o mga nangyari matapos maglabas ng ganitong mga pahayag ang Pangulo at kahit itanggi pa ng Malacaรฑang ay hindi mabubura ang katotohanan na sinabi ito ng Punong Ehekutibo.
โIncitement to crimes versus humanity is not a crime under Rome Statute, incitement that leads to killing is. These statements contributed to that may constitute indirect co-perpetrators by those who make the statement,โ aniya.
