Friday , June 13 2025

Sa illegal drug trade
‘KONEK’ NI YANG IKAKANTA SA SENADO

110921 Hataw Frontpage

KINOMPIRMA ni Sen. Richard Gordon na nakahanda si dating police Col. Eduardo Acierto na humarap sa pagdinig sa Senado upang patunayan na may kaugnayan sa illegal drug trade si dating presidential economic adviser Michael Yang.

        “We nonetheless confirm that Acierto, through an emissary in the Senate, is now ‘more than willing’ to testify on Yang’s alleged drug involvement in the course of the current investigation on the alleged anomalous transactions on the use of the pandemic funds,” ani Gordon sa isang kalatas kahapon.

Sa inilabas na recorded video ni Acierto sa Rappler at Philippine Star , inilahad ng dating police colonel na kung hindi itinago ang kanyang intelligence report hinggil sa koneksiyon nina Yang at Alan Lim, parehong malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte, ay hindi sana naganap ang katiwalian sa medical supplies deal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa administrasyong Duterte.

“Kung hindi itinago ang report ko kay Yang at Lim, hindi nangyari ang korupsiyon ng Pharmally. Walang nanakaw na pera ng bayan. Hindi nalagay sa panganib ang buhay ng health workers dahil sa delayed, substandard o expired na face masks at face shield,” sabi ni Acierto sa video.

“Wala po akong planong magtago o tumakas o hindi panindigan ang aking intelligence report,” dagdag niya.

Itinanggi ni Gordon na may hinarang ang Senate Blue Ribbon Committee na pagsasapubliko na intelligence report noong Disyembre 2018.

Nang hingin niya umano kay Acierto ang mga dokumento para sa cross-examination, hindi na nagpakita ang dating police colonel.

Pinayohan ni Gordon si Acierto na magsumite ng pirmadong affidavit sa Senate Blue Ribbon Committee bago pagbigyan ang hirit ng dating police colonel na makadalo sa Pharmally investigation.

Kaugnay nito, minaliit ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pahayag ni Acierto.         “Naku sinabi na po ni Presidente sa isang Talk to the People – sinungaling po iyang si Acierto at hindi dapat paniwalaan. Iyan po ay nanggaling na sa bibig mismo ng Presidente, iyan po ang pananaw ng ating Presidente,” sabi ni Roque kahapon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

MORE Power iloilo

P5-B kada taon, MORE Power nagpalago ng ekonomiya ng Iloilo City — UA&P study

NAGING mabilis ang paglago ng ekonomiya ng Iloilo City sa nakalipas na limang taon sa …

Espejo kumamada ng 31 puntos, Alas Pilipinas wagi kontra Thailand, winalis ang Invitationals

Espejo kumamada ng 31 puntos, Alas Pilipinas wagi kontra Thailand, winalis ang Invitationals

BUMIDA si Marck Espejo sa kanyang 31 puntos para sa Alas Pilipinas na nakalusot sa …

Nicolas Torre III

PNP Chief Torre sa mga pulis:
Serbisyong may malasakit pairalin

MAGSERBISYO nang may malasakit.                Mahigpit itong ipinaalala ni Philippine National Police (PNP) chief Police …

Comelec Elections

Suspensiyon ng voter registration para sa BSKE posible — Comelec

POSIBLENG hindi matuloy ang nakatakdang voter registration na mag-uumpisa sa 1 Hulyo 2025 bilang paghahanda …

Tanso Copper Cable Wire

Sa Caloocan City
5 kelot, 1 menor de edad huli sa P.2-M ninakaw na kable

NASAKOTE ng Caloocan City Police ang limang lalaki, kabilang ang isang menor de edad sa …