Saturday , March 25 2023
Liza Diño, IATF

FDCP Chair Liza tuloy ang meeting sa IATF para mabuksan ang mga sinehan

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

WALANG ibang hangarin si Film Academy of the Philippines o FDCP Chairwoman Liza Diño-Seguerra kung hindi ang muling mabuksan ang mga sinehan.

Sa ngayon kasi ay hindi pa bukas ang mga sinehan dito sa Pilipinas dahil nga sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, pero naniniwala si Chair Liza na sa nalalapit na panahon, mae-enjoy na nating muli ang panonood sa loob mismo ng sinehan.

Ibang-iba rin naman kasi talaga ang pakiramdam kapag sa sinehan mismo nanonood ng pelikula, malayong-malayo sa panonood online sa computer o telepono.

Patuloy ang pakikipag-usap ni Liza sa IATF o Inter-Agency Task Force ng Department of Health para masolusyonan agad-agad ito dahil maraming mamamayan, kabilang na kami, ang nananabik na muling makapasok sa loob ng sinehan.

Sa pagkakaalam namin, sa ilang mga bansa, bukas na ang sinehan sa mga taong fully vaccinated na. Rito sa atin, abang-abang tayo kung paano isasakatuparan ito.

Samantala, ipinagdiwang ng FDCP ang pinakaunang Philippine Film Industry month na may temang, Ngayon Ang Bagong Sinemula, na isang taunang month long celebration na ginagawa ng FDCP para ipagdiwang at alalahanin ang heritage, significance, at legacy ng Philippine Cinema.

About Joe Barrameda

Check Also

Salome Salvi

Salome Salvi, aminadong passion ang paggawa ng adult entertainment

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KILALA si Salome Salvi bilang adult content creator. Maraming boys ang …

Alfred Vargas Nora Aunor

Alfred naramdaman ang Nora Aunor Magic; naalala ang inang yumao

EMOSYONAL si Alfred Vargas matapos kunan ang ilang madadramang eksena nila ni Nora Aunor. Nag-post si Alfred sa …

LA Santos Kira Balinger Maple Leaf Dreams

LA at Kira bida na sa pelikula 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA kami sa natuwa nang mabalitaang magbibida na sa pelikula …

Hori7on

Dash music video ng Hori7on trending na ‘di pa man naipalalabas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TRENDING at pinag-uusapan na agad hindi pa man nailalabas ang …

Nikko Natividad Wilbert Ross Andrew Muhlach Mikoy Morales Vitto Marquez

Wilbert, Andrew, Mikoy, Vitto muntik malagay sa alanganin
NIKKO NAPIKON, NAGSUMBONG SA VIVA MANAGEMENT

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio GUSTONG-GUSTO na pala talagang pagsusuntukin ni Nikko Natividad sina Wilbert Ross, Andrew Muhlach, …