Wednesday , March 22 2023

PNoy, Sanofi swak sa civil, criminal liabilities (Paslit ginamit na guinea pigs?)

TINIYAK ng Palasyo na haharap sa mga kasong sibil at kriminal si dating Pangulong Benigno Aquino III at mga opisyal ng kanyang administrasyon at ang kompanyang Sanofi kapag napatunayan na alam nilang mapanganib ang Dengvaxia ngunit ipinaturok pa rin sa mga batang estudyante.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inaasahan ng Palasyo, sa pagharap ni Aquino sa Congressional probe sa Dengvaxia, malalaman ng taongbayan ang dahilan kung bakit tila minadali ang pagbili ng nakaraang administrasyon sa bakuna.

Nais din aniyang malaman ng publiko mula kay PNoy kung batid niya na may masamang epekto ang Dengvaxia ngunit pinayagan pa rin niyang bilhin ng Department of Health.

“Ang nais malaman ng taongbayan ay bakit nga napakabilis ng proseso ng pagbili, parang araw lang ang binilang at talagang nabili na iyan; at pangalawa is, ano ba talaga, alam ba nila talaga na magkakaroon ng masamang epekto iyong Dengvaxia para roon sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue dahil iyon naman po talaga ultimately ang isyu ngayon. Dahil kung alam na ng Sanofi at ng gobyerno ng mga panahon na iyon ay talagang magkakaroon sila ng hindi lang civil liability kung hindi criminal liability,” ani Roque.

Para sa Palasyo, ang paglalabas ng professional opinions hinggil sa Dengvaxia ay bahagi ng umiiral na demokrasya sa bansa at nakasalalay aniya sa hukuman kung may kuwalipikasyon ang isang indibiduwal sa paghahayag ng kanyang “expert opinions.”

“It’s a free country. Of course, individuals can come up with professional opinions. But that professional opinion, of course, the weight of that opinion will depend on whether or not they have the qualification to make expert opinions according to the revised rules of court,” ani Roque.

Binatikos ni Aquino ang aniya’y pag-iingay ng isang tao na ang hawak na sertipikasyon ay mataas lang nang konti sa “diplomas for sale” sa Recto, na ang tinutukoy ay si Public Attorney’s Office (PAO) forensics head Erwin Erfe, ang sumuri sa mga labi ng mahigit 20 bata na namatay makaraan maturukan ng Dengvaxia.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …

Leave a Reply