Friday , October 4 2024

Ronnie Liang, ambassador ng HICC

KATATAPOS lang pumirma ang OPM Prince of Ballad na si Ronnie Liang bilang bagong celebrity endorser ng Holistic Intergative Care Center (HICC) headed by Dr Imelda “Meddi” Adodollon, MT, MD, NMD.

Ang nasabing care center ay naniniwalang may sariling kakayahan ang ating katawan para pagalingin ang ating karamdaman dulot ng stress, life style, at pagpupuyat. Ang mga nabanggit ay dahilan kaya nawawala ang kapasidad ng ating katawan na pagalingin ang ating sarili at ito ngayon ang gustong mangyari ng HICC.

Inamin ni Dr Adodollon na perfect ambassador ang mang-aawit dahil malaki ang paniniwala nito sa makabagong pamamaran ng panggagamot ng kanilang care center na idinadaan sa tamang pagkain, tamang ehersisyo, at tamang life style.

Sa panayam kay Ronnie, idiniin nito na dapat kumain ng gulay, manok, at isda. ”Iwasan kumain ng karneng baboy, iwasan din ang pag-inom ng alak at paninigarilyo dahil kung wala ang mga ito sa loob ng ating katawan ay malaking tulong ito sa pagiging aktibo ng ating katawan laban sa mga karamdaman.”

Masaya siya sa napabalitang isinusulong na batas na lahat ng restoran na dapat kasali sa kanilang menu ang pagsilbe ng ‘half cup of rice.’ ”Ang kanin ay nagiging asukal ‘yan sa ating katawan at kapag naparami, diabetic ang pupuntahan mo dahil asukal ‘yan kapag hindi natin na-burn.

“Tayo ay posibleng magkaroon ng potensiyal na sakit na na-activate dahil sa stress at acidity ng katawan. Hindi naman sa mana-mana ‘yan dahil naging aktibo ito dahil sa kinakain natin, life style at puwede naman na magkasakit tayo na wala sa mana, ibang karamdaman, ‘di ba?”

Pabor siya sa naging pahayag ni Kuh Ledesma sa naganap noong fund raising para kay Bernardo Bernardo na may karamdaman ngayon sa pancreas, na hindi na kailangan ang operasyon para gumaling ang beteranong komedyante.

“’Yun po kasing isinasaksak na gamot sa atin, kahit anong gawin nila kung hindi na tinatanggap ng katawan natin, wala rin pong mangyayari. So, para tanggapin ng katawan, kailangan natin ang exercise, diet, enough rest lalo na kung tulog po tayo, ‘yun ‘yung time na pinagagaling ‘yung body natin. Ang massasabi ko, kahit anong gamot ang gawin ninyo, kung time mo na, time mo na talaga. Kaya, habang nabubuhay, enjoy life to the fullest.”

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

About Alex Datu

Check Also

Carlos Yulo Chloe San Jose

Netizens hati ang reaksiyon sa ‘pabakat’ ni Chloe

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST sa kanyang Facebook account ang girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe ng …

Kim Ji-soo

Kim Ji Soo nagustuhan ang ‘Pinas: I enjoy meeting new people, exploring the culture

MA at PAni Rommel Placente SA interview kamakailan kay Kim Ji-soo sa Fast Talk With Boy Abunda, nag-share siya …

Sam Verzosa Willie Revillame

Willie sa sariling bulsa nanggaling papremyong ipinamahagi sa mga guro

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SAYANG, hindi namin personal na naabutan si Willie Revillame last Sunday sa Grand Hyatt …

Vilma Santos

Coffee Table Book, Scholarly Book, at Filmography Book ni Ate Vi handang-handa na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GOOD news naman para sa Vilmates/Vilmanians dahil nasa interesting stage na …

Mark Leviste Vilma Santos

Vilmanians susuportahan pagtakbong gobernador ni Ate Vi; VG Mark umatras

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INAABANGAN ng marami ang pag-file ng certificate of candidacy ng mag-iinang Vilma …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *