Saturday , December 4 2021
Luke Mejares, PMPC Star Awards for Music

Luke emosyonal sa pagwawagi sa 12th Star Awards for Music

MATABIL
ni John Fontanilla

GRABE ang kasiyahan ni Luke Mejares nang manalo bilang Outstanding Male Concert Performer of the Year sa katatapos na 12th PMPC Star Awards for Music noong October 10, 2021.

Nakalaban ni Luke sa kategoryang ito sina Ogie Alcasid, Ronnie Liang, Rico Blanco, Chad Borja, Raymond Lauchenco, at Richard Reynoso.

Ani Luke, hindi niya inaasahan na magwawagi siya lalo’t mahuhusay  ang kanyang mga nakalaban. Para sa kanya, masya na siyang maging nominado at bonus na ang pagwawagi.

Kaya naman nang manalo siya ay abot langit ang kanyang kasiyahan. “Sobrang abot langit talaga ang tuwa, kasi katulad ngayon pandemic nalulungkot ako at nag-aalala kasi kaming mga singer musician hindi pa nakababalik sa live gig.

“Kaya naman ‘yung may  ganitong award na matatanggap ka na galing sa isang prestigious organization like PMPC (Philippine Movie Press Club) na kinilala ‘yung hardwork mo ay sobrang nakatataba ng puso and I’m honored talaga na binigyan nila ako ng pagkilala.”

Ito ang kauna-unahang tropeong nakuha ni Luke after ng 23 taon niya bilang singer. “At ito ‘yung kauna-unahan kong PMPC trophy sa loob ng 23 years ko sa music industry, kaya naman sobrang saya at grateful ako sa PMPC at napansin nila ‘yung hardwork ko.”

Kaya nanan iniaalay niya ang pagkapanalo sa kanyang pamilya, kaibigan, at supporters. “Unang-una, gusto ko ialay sa Panginoon, kasi kung hindi sa Kanya hindi ako magkakaroon ng talento sa pagkanta na maisi-share ko sa mga tao, pangalawa sa aking pamilya lalong-lalo na sa aking asawa at mga anak na nandyan sa akin sumusuporta.

“Pangatlo sa lahat ng aking supporting fans o mga naging friends na naniniwala noong nagsisimula ako at hangang ngayon ay nandyan pa rin at sumusuporta, maraming salamat.

“At sa lahat ng mga taga-industriya na sumusuporta sa akin, sa aking Beautederm Family, kay Ms Rei Anicoche-Tan, sa producer ng aking concert  na si Che Che Colmenares ng Dragon Arc Events and Management  and of course sa PMPC, maraming-maraming salamat po!,” 
pagtatapos na pahayag ni Luke.

About John Fontanilla

Check Also

Klinton Start Aspire Magazine

Klinton Start cover ng Aspire Magazine, may serye pa sa ABS-CBN

MATABILni John Fontanilla HAPPY si Klinton Start dahil sa dami ng proyektong ginagawa niya ngayon. Bukod sa napili ito ng publisher …

Samantha Bernardo

Samantha ‘di nakasali sa MUP

MATABILni John Fontanilla SASALI pala sana ang Miss Grand International 2020 1st runner-up Samantha Bernardo sa 2021 Miss Universe Philippines.At kahit alam nito …

Jeyrick Sigmaton Carrot Man

Carrot Man Jeyrick wagi sa NY

RATED Rni Rommel Gonzales NI sa panaginip ay hindi inaasahan ni Jeyrick Sigmaton na magkakaroon siya ng isang international …

Miguel Tanfelix

Miguel ayaw sa babaeng maarte

RATED Rni Rommel Gonzales INILAHAD ni Voltes V: Legacy star Miguel Tanfelix ang nag-iisang ugali na ayaw sa isang babae sa …

Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, The World Between Us

Serye nina Alden, Tom, at Jasmine nasa GTV na

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI mo ba napapanood ang The World Between Us sa GMA? Huwag mag-alala dahil mapapanood …