LATE 70s nag-start ang recording career ni Claire dela Fuente.
Phenomenal hit agad ang awiting “Sayang” ng singer/businesswoman na naging background sa classic hit movie noon ni Nora Aunor at Philip Salvador na “Bona.”
Pero unang sumikat si Claire nang siya ang mapiling kumanta ng jingle ng Hope Cigarette na ang TVC ay hindi lang napanood sa Filipinas kundi sa iba’t ibang bansa.
Dahil sa kanyang malamig na tinig na malaki ang pagkakahawig sa namayapang si Karen Carpenter ay binansagan si Claire hindi lang bilang “Karen Carpenter of the Philippines” kundi tinawag na “Asia’s Sweetest Voice.”
Nang magpahinga sa kanyang career ang singer para tutukan ang kanyang pamilya at negosyo ay may pasulpot-sulpot pa rin na offer na concert here and abroad pero nag-decide si Claire na huwag munang tumanggap noong mga panahong iyon.
Kaya noong magbalik recording siya noong 2005, sa kasabikan ng kanyang mga tagahanga ay pumatok ang kanyang self-titled comeback album na Claire dela Fuente, Something In Your Eyes ang naging carrier single ng album, composed by Richard Carpenter under Viva Records.
Nasundan pa ito ng Timeless Songs of My Life at first Christmas album na ini-release din sa nasabing taon. Naka-duet ni Claire ang icon artist sa Hollywood na si Michael Bolton para sa “The Christmas Song.”
May isa pa, si David Soul na kilalang pop icon na naka-duet naman ng classy Diva sa “Bakit Ngayon Ka Lang.”
Dahil sa nakatrabahong mga international singer ay naging matunog muli ang pangalan ni Claire sa music scene at naging in-demand sa mga concert. Isa na riyan ang back to back concert nila ni Jose Mari Chan na ginawa sa SM North Edsa Skydome.
Favorite din kunin si Claire ng Star Media ni Anna Puno at ngayong 14 Pebrero 2018 ay magkakaroon uli siya ng concert sa Newport Performing Arts sa Resorts World Manila at makakasama niya sa kanilang “Timeless OPM Concert” sina Imelda Papin, Rico J. Puno at Rey Valera.
Samantala dahil sa layo ng narating sa kanyang karera sa pagkanta ay ginawaran si Claire ng Lifetime Achievement Award sa 30th Aliw Awards nitog nakaraang Disyembre na ginanap sa Manila Hotel.
Nang tanggapin niya ang kanyang award ay buong ningning na pinasalamatan ni Claire ang lahat ng mga taong sumuporta sa kanyang career at inialay niya ang parangal sa kanyang dalawang anak na sina Gigo at Mickey na tulad niya ay pumalaot na rin sa negosyo.
Beauty and lifetsyle columnist
& Shenyung Ball Queen
NONETTE LIM HAPPILY
MARRIED SA ISANG
ADMINISTRATOR NG HOSPITAL
SA NEW YORK CITY
NAGING popular ang pangalan ng businesswoman na si Nonette Lim noong 80s dahil sa kanyang negosyong Shenyung Ball na nagpatangkad sa ilang kilalang celebrity.
Kaliwa’t kanan ang TV interviews noon kay Nonette sa malalaking TV network at bawat event na puntahan niya ay dinudumog siya ng mga reporter. Dahil sa katanyagan, kaya bukod sa naging Darling of the Press ang friend naming personality ay naging columnist siya sa ilang magazines and tabloids para sa column niyang Beauty and Lifestyle at naging broadcaster din sa matagal na panahon at nakasama ang Queen of Intrigues na si Inday Badiday sa DZMM.
Sa ngayon nang aming maka-chat si Nonette sa Facebook ay naikuwento niya na happily married na siya kay Noel Navarro, isang administrator sa kilalang hospital sa New York City.
Nagsimula raw sa FB ang kanilang love story ni Noel, na nagpa-add sa kanya bilang friend na noong una ay clueless siya kung sino. ‘Yun pala nag-aral din sa Notre Dame na tulad niya kaya hayun tinanggap niya.
Pagkatapos ay sinimulan na siyang ligawan nito hanggang mag-propose ng kasal alay ang ilang karat ng diamond. Ikinasal daw sila sa civil ceremony ni Noel last May na dinaluhan ng pamilya at kaibigan. Ngayong May 2018 ay inalok daw siya ng mabait at supportive niyang husband ng kasal sa simbahan.
“Sobrang bait niyang asawa, at dumating siya sa panahon na madilim ang mundo ko na binigyan niya ng liwanag,” pagmamalaki ni Nonette sa kanyang generous na partner in life.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma