Monday , October 14 2024

Coco Martin bayani ng mga api sa “Ang Panday” na hinuhulaang makikipagpukpokan sa no.1 top grosser sa MMFF 2017

AYON sa Hari ng Telebisyon na si Coco Martin, marami siyang natutuhan sa mga pelikulang indie na ginawa niya noon, kaya hindi matatawaran ang kaalaman at karanasan niya mula sa mundo ng indie at komersiyal na kanyang pinagsama, at ginamit niya sa “Ang Panday” ngayon.

Katuparan ng kanyang pangarap na magdirek ng pelikula. Ang aktibong involvement ni Coco bilang creative consultant sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ay nagpanday sa kanyang kakayahan bilang storyteller.

Bilang bida ng pelikula, si Coco ang kumakatawan sa lahat ng magagandang bagay sa “Ang Panday.”

At kitang-kita ito sa pagmamahal ng milyon-milyong Filipino sa kanya lalo nang bigyang buhay niya ang karakter ni SPO2 Cardo Dalisay sa pinagbibidahang long-running action-drama primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano na no.1 show sa buong bansa.

Bilang Flavio naman sa Ang Panday, muli na namang ipaglalaban ni Coco ang kabutihan habang ipinagtatanggol niya ang mahihirap at api sa mundo.

Tunghayan kung paano isasabuhay ni Flavio ang kanyang kapalaran. Mula sa isang simpleng lalaki na lumaki sa Tondo, si Flavio ay magiging pinakatanyag na bayani ng mga Filipino na magliligtas sa kanyang pamilya at komunidad sa mga kampon ng kasamaan na pinamumunuan ni Lizardo na gagampanan ni Jake Cuenca sa millennial version ng AP.

Tampok din sa 100 stars cast ng Ang Panday sina Lito Lapid, Eddie Garcia, Michael de Mesa, Gloria Romero, Jaclyn Jose, Dimples Romana, Jeric Raval, Jaime Fabregas, Julio Diaz, Mariel de Leon, Awra Briguela, Dennis Padilla, Carmi Martin, Albert Martinez, Agot Isidro, Kylie Versoza, Mccoy de Leon, Elisse Joson, Jhong Hilario at marami pang iba.

Isa sa walong official entries sa Metro Manila Film Festival 2017 itong Ang Panday, na dahil bukambibig sa mga bata ay hinuhulaang makikipagpukpokan sa no.1 top grosser sa festival.

Mapapapanood ninyo ito simula ngayong December 25 sa daan-daang sinehan sa buong bansa at naka-schedule na rin ang kaliwa’t kanang international screenings sa iba’t ibang bansa.

Michael ligtas
sa brain cancer
GERALD AT JAKE GUSTONG
PAGKASUNDUIN SA “IKAW
LANG ANG IIBIGIN”

SA latest episode ng top rating daytime drama triathlon TV series na “Ikaw Lang Ang Iibigin” ay nakaligtas si Don Roman (Michael de Mesa) sa brain cancer.

Benign kasi ang tumor na nakuha sa kanyang utak ni Doc Josh (Ramon Christoper). At ngayong nagpapagaling na si Roman ay gusto niyang maging positibo ang lahat para sa anak na si Gabriel (Gerald Anderson) at Carlos (Jake Cuenca) na dahil lumaki sa poder niya ay itinuring na ring parte ng kanyang pamilya.

Gusto niyang pagkasunduin ang dalawa at hiningi niya ang tulong ni Bianca (Kim Chiu) para pag-ayusin ang mister (Gabriel) at Carlos. Dahil likas ang kabaitan ay madali para kay Gabriel ang magbati sila ni Carlos pero ang huli dahil sanay mang-isa sa kapwa ay iba ang nasa utak — ang lamangan pa rin si Gabriel at ibagsak.

Ibinalik na nga sa kanya ni Gabriel ang pamamahala sa TigerShark Energy Drink pero talagang matigas ang puso ng anak ni Rigor (Daniel Fernando).

Gaya-gaya rin siya (Carlos) sa pagbubukod nina Gabriel at Bianca at nagpaalam na rin kay Roman na titira na sila ni Isabel (Coleen Garcia) sa Townhouse.

Abangan ang mas painit na painit na mga tagpo sa ILAI at saksihan ang laban ng taong may puso at kaluluwang halang sa kasamaan.

Napapanood ang nasabing serye weekdays pagkatapos ng Kapamilya Blockbusters sa ABS-CBN Prime Tanghali.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Celeste Cortesi Viva

Celeste nilayasan Sparkle lumipat sa VAA

I-FLEXni Jun Nardo ANG Viva Artist Agency (VAA) ang namamahala sa showbiz career ng beauty queen na …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male star aasa sa tulong ni gay friend sa pagpasok sa politika

ni Ed de Leon KAYA pala nag-file ng COC ang isang male star ang akala niya ay …

Mark McMahon

Mark McMahon balik ‘Pinas

HATAWANni Ed de Leon NAGBALIK na pala si Mark McMahon, matagal din siyang nawala at walang …

Julie Anne San Jose Church

Julie Anne ‘di dapat sisihin, Sparkle at organizer may pagkukulang

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng Sparkle ang kasalanan sa nangyari kay Julie Anne San Jose na kumanta sa …

Cecille Bravo RS Francisco

Ms. Cecille Bravo, planong magprodyus ng pelikula kasama si RS Francisco

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BILANG pagkilala sa kakaibang suporta at kabaitan sa mga member …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *