Friday , October 4 2024

Saan nagtago si party-List Rep. Michael “Mikee” Romero?

KUNG paanong parang bulang naglaho ay ganoon din kabilis ang paglutang ng bilyonar­yong si 1-Pacman party-list Rep. Michael “Mikee” Romero.

Biglang naglaho ang nakababatang Romero nitong nakaraang Enero nang maglabas ng arrest warrant ang Manila Regional Trial Court laban sa kanya sa kasong isinampa ng ama.

Ito ay kaugnay ng pag-aari ng Harbour Center Port Terminal Inc.

Mainit na pinag-usapan sa coffee shops kung saan pumunta si Rep. Mikee.

Pero sa laban ng Gilas Pilipinas at Chinese Taipei sa Araneta Coliseum sa Quezon City lumutang si Romero.

Nagbigay din siya ng pahayag sa awards night ng Philippine Basketball Association (PBA) press corps.

Napakasuwerte naman ng isang bilyonar­yong gaya ni Rep. Mikee, na nalulusutan ang arrest warrant at nakababalik na isang mala­yang mamamayan.

Aba, kung pangkaraniwang mamamayan ‘yan, tiyak matagal nang naikahon sa hoyo ‘yan.

Tsk tsk tsk…

NATIONAL ID
SYSTEM DAPAT
SUPORTAHAN
NG MAMAMAYAN

IMBES iprotesta, panahon na para suportahan ng mamamayang Filipino ang isinusulong na national identification (ID) system.

Panahon pa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ay pinag-uusapan na ang pagpapatupad ng national ID system.

Pero mariin itong tinututulan ng human rights activists noon. Ang national ID system umano ay tahasang paglabag sa indibiduwalidad ng isang mamamayan.

Nang mawala sa poder si Marcos, inakala ng marami na mawawala na o tapos na ang isyu sa national ID system.

Pero sa paglipas ng dekada at patuloy na pagbabago ng panahon, lalo namang tumindi ang pangangailangan na magkaroon ng national ID system.

Lalo na nga nang halos lahat ng establisyemento at ahensiya ng  pamahalaan ay naghahanap nang higit sa isang ID tuwing may transaksiyon ang isang indibiduwal.

Ang siste pa, nagkaroon ng problema sa is­suance ng voter’s ID kaya lalong nahirapan ang mga pangkaraniwang mamamayan sa kanilang transaksiyon sa gobyerno.

Ngayong papasok na ang 2018, desidido na umano ang Senado na ipasa ang national ID System para sa kapakanan ng mamamayan na nasa edad 18-anyos pataas.

Sa ganang atin, bilang isang mamamayang Filipino, nakikita natin ang kahalagahan na magkaroon ng national ID system.

Imbes hanapan ng kung ano-anong ID ang isang indibiduwal na mayroong nilalakad na transaksiyon, mas malaking tulong kung isang ID na lamang ang kanilang ipepresenta.

Ito na ‘yung ID sa SSS/GSIS, TIN, NBI and police clearance, postal at voter’s ID.

Ang nakikita lang nating problema rito, baka naman matulad sa voter’s ID na limang taon na, wala pa rin ang ID. Ilang eleksiyon na ang nakalipas, wala pa rin. Nagpalit-palit na ang mga pre­sidente, LGU officials at mga mambabatas, pero wala pa rin.

Kaya, ano ang kahalagahan ng national ID kung wala namang ID?!

Ayon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, ma­tagal na panahon ang ilalaan para sa full implementation ng national ID system.

Sa Indonesia umano, inabot nang halos limang taon ang full implementation ng kanilang national ID system.

Wala namang problema, kahit 10 taon pa a­butin ‘yan, ang importante tapat nilang ideklara at tiyakin na maipatupad nang tama, may isyung ID at kikilalanin ng iba’t ibang ahensiya.

Higit sa lahat, hindi sana mapeke at hindi maduplika ng ‘Recto’ experts ang national ID.

‘Yun ang pinakamahalaga sa lahat.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *