Monday , October 7 2024

Doon na kami sa maarte, pero magaling (Kris vs Mocha)

PCOO Asec Mocha Uson taking up Law? Ano ang ipinahihiwatig nito?

Sa mga hindi nakaaalam, tapos ng medical course si Mocha sa UST. Ewan nga lang kung mas matagal niyang ginamit ang natapos na kurso kaysa kanyang showbiz work.

Ang nasirang ama ni Mocha (who was gunned to death many years ago) ay isang huwes, samantalang ang kanyang ina—a breast cancer survivor—ay isang doktora.

Kursong tinapos ng kanyang ama ang yapak na gustong sundan ni Mocha, and the reason is pretty obvious.

Of late, balitang kabilang siya sa senatorial lineup ng administrasyon para sa 2019 mid-term national elections. Ang Senado’y binubuo karamihan ng mga nagsipagtapos ng abogasya, in other words, mga bihasa sa batas.

Dapat lang na armahan ni Mocha ang kanyang sarili ng legal knowhow kung totoo ngang nais niyang makakuha ng senatorial seat. Pero kung tatanungin siya ay wala siyang balak maliban na lang kung mismong si Pangulong Digong na ang makiusap o kumausap sa kanya.

Right now, ang posisyon ni Mocha ay may kaugnayan sa komunikasyon. Bagamat magandang option na kumuha siya ng Law, hindi kaya mas dapat siyang nag-enrol sa kursong Journalism since ito ang kasalukuyan niyang kailangan based on her current job?

At bakit ipinagmamalaki ni Mocha ang kanyang pagiging isang Law student gayong hindi pala siya pinakuha ng admission test sa paaralang pinapasukan niya?

Parang hindi timing ang pagkuha niya ng Law, dapat ay noong kasagsagan ng inquiry sa mga frat hazing na kinapapalooban ng mga estudyanteng nag-aaral ng abogasya, hindi kung kailan matunog na kakandidato siya sa pagka-Senador.

Ayaw naming isipin na pinaghahandaan ni Mocha ang strategy ni Kris Aquino na isinusulong ngayon ng isang grupo (led by a certain Lulu Mendez) na laganap ngayon sa Facebook.

Sa nasabing panawagan ay marami ang nag-post ng kanilang positive response urging Kris to try national politics.

Noon pa ma’y narinig na namin ang balak ni Kris, and why not?

Matalino siya, may makabuluhang input sa mga diskusyon sa Senado.

To top it all, since sa hanay ng mga showbiz celebrities ay nangunguna si Kris sa mga nagbabayad ng buwis ay nakatitiyak na ang mga mamamayan na hindi siya magnanakaw sa kabang-yaman ng bansa.

‘Yun nga lang, let’s be ready sa kanyang mga kaartehan sa Senado if ever. Pero maarte man, magaling naman!

Doon na kami sa maarte!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Taxi Japan

Jed dela Vega ng Pinoys Everywhere may panawagan: Mag-ingat sa mga puting plaka sa Japan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY panawagan naman ang ilang mga kaibigan natin sa Japan.  Ayon …

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Maine sa paglilibang ng Pinoy Drop Ball — Let’s be a responsible gamer, balanse ang saya sa pagtaya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA opisyal na pagbubukas ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus, masayang ibinahagi ng ambassador …

Diwata

Diwata papasukin ang politika para maging boses ng mga vendor 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging Online Sensation at matagumpay na negosyante, sasabak na rin …

Rhian Ramos Sam Verzosa SV

Rhian suportado pagtakbo ni SV— I’ve never campaign anyone in my whole life pero if he needs me andoon ako 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SAMPUNG mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P200-M ang ibinenta ni Tutok …

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Perya feels handog ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PERYA feels ang ibinabandera ng pinakabagong laro ng BingoPlus, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *