Friday , September 22 2023

‘Ginahasang’ mga bangkay sa Resorts World Manila tragedy

DOUBLE-WHAMMY ang nangyari sa mga biktima ng casino tragedy sa Resorts World Manila.

‘Yan ay matapos mabatid ng kanilang mga kamag-anak na habang sila ay nag-aalala, mayroong mga eskobador na nililimas ang personal belongings ng mga namatay na biktima.

Wattafak!

Bangkay na nga, ninakawan pa?! Sobra-sobrang ‘panggagahasa’ na ‘yan!

Sabi nga, sino mang nang-eskoba sa personal belongings ng mga biktima ng casino tragedy sa RWM e tiba-tibang tunay.

Karamihan sa mga naging biktima ay may dalang mga alahas, cash, relo at iba pang mahahalagang ari-arian sa kanilang bags.

062317 RWM dead

Ibig sabihin, sa Resorts World Manila, mas marami ang totoong richy kaysa dyuging kaya marami sa mga biktima ang tunay na nalimas ng mga kawatan.

Kaya ngayon ay nagsusulong ng imbestigasyon ang mga kamag-anak ng mga biktima para malaman nila kung ano ang ginawa ng Lanting security guards, mga lespu at maging ng mga bombero para matiyak na hindi naagrabyado o hindi ‘nagahasa’ ang nasabing personal belongings.

Mayroon nga bang ginawa ang Lanting security? Ang mga pulis? O ang mga bombero?

Mismong ang management ng RWM ay walang maisagot kung bakit nagkandawala ang personal belongings ng mga biktima?!

‘Yan ang problema ng RWM, lagi silang “caught in the act” na may malaking pagkukulang sa pangangalaga sa seguridad ng kanilang clientele.

Kapag may nangyari na, saka biglang magpapapogi at sasabihin na pananagutan umano nila ang lahat nang nangyari.

Puwes, kulang ang ipinapangako ninyong isang milyong piso!

Madali lang naman sabihin ang katagang “pananagutan namin ‘yan.”

Pero ginagawa bang tunay?!

Hindi pa nga naghihilom ang sakit at kirot dulot  ng pangungulila nila sa kanilang mga mahal sa buhay na biktima ng casino tragedy, hayan at nasundan agad ng pagkakatuklas na maging ang personal belongings ng kanilang mga kamag-anak ay mistulang ‘ginahasa’ rin.

Hoy mga hidhid, moderate your greed!

HAPPY BIRTHDAY
IMMIGRATION COMM.
JAIME MORENTE!

030717 morente immigration NAIA

ATING binabati ng maligayang kaarawan si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime “Bong” Morente.

Kundi hindi tayo nagkakamali, ito ang unang taon na nagdaos ng kanyang kaarawan sa Bureau si Commissioner Bong Morente.

Bagamat dumanas nang katakot-takot na kontrobersiya, problema at pagsubok sa kanyang unang taon sa ahensiya, masasabi natin na hindi hamak na malayo ang katangian ni Commissioner Morente sa mga nagdaang commissioner noon na sina expelled ‘este ex-commissioners Ric David Dayunyor at Sigfraud ‘ehek mali’ Siegfred Mison.

Kahit nga pare-parehong galing sila sa akademiya, iba ang ipinakitang pagmamalasakit ni Commissioner Morente, pagdating sa mga hinaing ng kanyang nasasakupan.

Dangan nga lamang at talagang medyo mahirap ang kinasadlakan ng kasalukuyang problema sa OVERTIME pay ng mga empleyado.

Nanatiling mahinahon si Commissioner Morente sa “negative feedbacks” na kanyang natanggap.

Hindi rin siya ‘yung tipo na binawian o ginantihan ang ilang naging pasaway na kawani ng ahensiya.

Sabi nga nila, “a true gentleman in every sense of the word.”

I had the chance to meet this guy noong kauupo lang niya sa Bureau of Immigration at narinig natin ang kanyang magagandang vision sa Bureau.

Naging open din siya sa mga suhestiyon at hindi rin natin siya kinakitaan ng pagkayamot sa ilang batikos na ipinarating natin sa kanya.

Masasabi natin na kahit paano ay masuwerte ang BI dahil maayos ang karakter ng kasalukuyang “ama” ng kagawaran.

Para kay Commissioner Jaime Morente, inuulit po natin ang ating pagbati ng isang Maligayang Kaarawan!

May you have many more birthday celebrations in the Bureau, Sir!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD anti-drug campaign, nakaiskor ng P2.4-M ‘damo’

AKSYON AGADni Almar Danguilan DALAWANG linggo na rin ang nakalipas simula nang italagang Director ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pangyabang na bonus, habang dedma sa learning crisis

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG pag-aanunsiyo kamakailan ng bonus na inilabas ng Department …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-utol na meyor may dementia o amnesia?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata BILIB na sana ako sa kasipagan ng magkapatid na …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

SIM card registration law ‘di kinatakutan ng scammers

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MUKHANG hindi natakot ang mga scammer sa SIM card registration law …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

Confi at intel funds mahalaga kung gagamitin nang tama

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MAHALAGA para sa isang ahensiya ng pamahalaan ang pagkakaroon ng tinatawag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *