Thursday , December 7 2023

Concert ni Nora sa Oktubre, kasado na

NITONG nakaraang Martes ng hapon ay hitsura ng tribute para kay Nora Aunor ang kinalabasan ng programang Cristy Ferminute sa Radyo 5.

Isang araw kasi matapos niyon ay ipinagbunyi ng mga tagahanga ng nag-iisang Superstar ng bansa ang golden anniversary ng pagiging kampeon nito sa Tawag ng Tanghalan.

Straight na 14 weeks kasing bitbit ni Ate Guy ang kanyang titulo bilang TNTchampion noong May 27, 1967. Ang kanyang winning piece ay angMoonlight Becomes You.

Sa naturang radio program ay pinatugtog namin sa himpapawid ang mga awitin ni Nora, maging ang People na ipinanlaban din niya. May ipinasulyap pa kaming litrato ni Ate Guy, hawak nito ang kanyang tropeo katabi ang tiyahing si Mamay Belen.

Pero ang mas ikinaantig ng aming damdamin ay ang nakalkal naming piyesa ni Nora na pinamagatang Habampanahon. Courtesy ‘yon ng ilang Noranians.

Ang nasabing awitin—na hindi pa commercially released—ay piyesang nai-record ni Ate Guy bago nagkadiperensiya ang kanyang boses.

Swak ang mga lyric ng kantang ‘yon, walang iniwan sa isa pa niyang kantang Handog mula sa komposisyon ni Florante.

Malinaw na pagsilip ang Habampanahon sa mga tunay na kaganapan sa masalimuot na buhay ni Ate Guy, mula sa kanyang pangarap na nagkaroon ng katuparan hanggang sa kanyang popularidad bilang isang mang-aawit-aktres.

Balitang sa darating na Oktubre ay wala nang urungan ang kasado na niyang concert. Magandang balita ito sa grupo-grupo niyang mga tagasuporta.

Kung medyo malamlam ang pagtanggap kadalasan ng mga Noranian sa mga pelikula ng kanilang idolo, sana’y sa pagkakataong aangkinin muli nito ang entablado para magtanghal ay naroon sila, kapit-bisig na pupunuin ang concert venue.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Shawie sa ireretong babae kay Alden: She must be smart and independent woman

ni Allan Sancon ISA sa mga excited mapanood ng mga netizen ngayong Metro Manila Film Festival 2023 ang …

Robb Guinto

Robb handang mag-frontal kung kinakailangan sa pelikula

RATED Rni Rommel Gonzales MAGKAPATID sina Robb Guinto bilang Erlinda at Vince Rillon sa kuwento ng Vivamax film na Araro. Bakit Araro ang title …

Kathryn Bernardo Nadine Lustre James Reid Daniel Padilla Jadine Kathniel

Nadine nanghinayang sa pagtatapos ng relasyong Kathryn at Daniel

MATABILni John Fontanilla PANGHIHINAYANG ang naramdaman ni Nadine Lustre nang makarating sa kanya ang balitang naghiwalay na …

Michelle Dee

Michelle wish mapasali sa Avengers at malinya sa mga aksiyon

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA naging homecoming event ng Sparkle at GMA 7 kay Michelle Dee, sinabi ng ating naging …

Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla

Daniel-Kathryn solo-solo na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLULUKSA ang showbiz dahil sa hiwalayang KathNiel. In fact, kahit ang ibang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *