Friday , January 17 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Saludo sa mga tunay na taliba ng bayan

HINDI lang mga pulis at sundalo na ngayon ay nasusuong sa bakbakan sa Mindanao (Marawi) laban sa mga terorista ang dapat nating papurihan at pasalamatan.

Dapat din natin pahalagahan ang mga katoto sa MEDIA na ngayon ay naroon sa Mindanao para ipaalam sa atin kung ano ang tunay na nagaganap sa Marawi.

Kung sasabihin na iyan ay bahagi ng trabaho ng isang media man, totoo po iyan.

Pero may kasabihan ang mga mamamahayag: “You’re only as good as your last story.”

Ano man ang mangyari sa isang mamamahayag, siya ay matatandaan sa huling istorya na kanyang isinulat o naitala sa kasaysayan.

Kaya nga, bawat istorya ng isang mamamahayag ay itinuturing na mahalaga sa kanyang karera kaya kinakailangan maisulat ito batay sa wastong detalye at tapat sa layunin na maihatid ang katotohanan.

060117 marawi media press

Gaya nga ng mga mamamahayag na naroroon ngayon sa Marawi na isinuong na rin ang isang paa nila sa hukay.

Iba ang sitwasyon nila ngayon sa Marawi.

Kahit may dala o baon silang pera, wala naman silang mabilihan ng pagkain at tubig.

Hindi pa sila sigurado kung malinis ang tubig na kanilang mabibili.

Sabihin man na nagtatrabaho sila para sa kanilang kompanya, pero klaro na ang ultimong layunin nila ay makapaghatid ng pinakasariwang balita para sa mamamayan.

Sa madaling sabi, malaking sakripisyo rin ang dinaranas ngayon ng mga mamamahayag na nagko-cover sa Marawi.

At sa kanilang tapat na pagganap sa kanilang tungkulin, masasabi nating sila ang mga tunay na taliba ng bayan.

Saludo ako sa inyo, mga katoto!

LIMANG-TAON BISA
NG DRIVER’S LICENSE,
KONGRESO PA
ANG NAG-UUSAP?!
WATTAFAK!

060117 driver license LTO congress kamara

Talaga namang sapak sa ‘performance’ ang mga mambubutas ‘este mambabatas natin.

Mantakin ninyo, para maging limang taon ang bisa ng lisensiya kailangan pang pag-usapan ng Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso?!

E kung tutuusin, trabaho na lang ng Land Transportation Office (LTO) ‘yan.

Ano ba ang halaga ng pagpapalawig ng bisa ng lisensiya, ‘e wala ngang maibigay na ‘license card’ agad ‘yung LTO?!

Subukan ninyong mag-renew o mag-apply, ang ibibigay sa inyo papel.

Ilang taon nang umiiral ‘yang papel lang ang ibinibigay na lisensiya ng LTO?

Pati na rin plaka ng sasakyan aabutin ka rin ng siyam-siyam bago mo makuha!

Anim na taon na ang lumipas sa administrasyon ni PNot ‘este PNoy, ngayon isang taon na ang nakalilipas sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, pero papel pa rin ang driver’s license.

Omeygad!

Bakit hindi ang pagpapabilis sa pag-iisyu ng driver’s license card at plate number ang pag-usapan ng mga mambabatas?!

Kaysa naman pinakikialaman na ng mga mambubutas ‘este mambabatas ang trabaho ng LTO at sa magastos na paraan pa ha?!

Alam ba ninyong milyones ang gastos sa deliberasyon ng mga panukalang batas?!

Transportation Secretary Art Tugade, paki-push mo naman si LTO chief, Assistant Secretary Edgar Galvante para bumilis ang pag-iisyu ng driver’s license PVC card.

Naiintindihan naman natin na baka sa kanyang edad ay naaapektohan ang kanyang trabaho diyan sa LTO?!

Puwede po ba, Secretary Tugade?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Peace o power?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANO pa man ang itawag, ang “peace rally” na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 100-araw ni Col. Buslig sa QCPD, krimen patuloy sa pagbaba

AKSYON AGADni Almar Danguilan ENERO 11, 2025, ang unang isandaang araw ni PCol. Melecio M …

Dragon Lady Amor Virata

Pulis na private security ng mga kandidato, ipinasisibak

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MGA kandidato sa 2025 elections na may mga banta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Firing Line Robert Roque

Renovation na karapat-dapat

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUMASAILALIM ngayon ang Rizal Memorial Sports Complex, isang makabuluhang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *