Monday , October 14 2024

Doktor na pinatay bigyan ng katarungan! (Boluntaryo sa mga baryo)

NAKIRAMAY at kinondena ng Department of Health (DOH) ang pagpaslang sa isang kabataang doktor na si Dr. Dreyfuss Perlas, isang volunteer doctor sa programa nilang Doctors’ to the Barrios.

Si Perlas ay binaril sa likod ng hindi nakilalang salarin habang nakasakay sa kanyang motorsiklo pauwi sa kanyang boarding house sa bayan ng Lala sa Lanao del Norte.

The end…

Ganoon lang kasimple, parang isang pelikula na natapos ang buhay ng isang kabataang doktor na punong-puno ng pag-asa at boluntaryong nag-alay ng kanyang buhay at serbisyo sa mga liblib na baryo sa malalayong lalawigan para sa ating maliliit at dahop na mga kababayan.

Pagkatapos ng ‘pelikula’ ng kanyang buhay nagsalita lang ang DOH na nakapanghihinayang ang buhay ng pinaslang na doktor na mas piniling maglingkod sa mahihirap na kababayan sa mga nagdarahop na komunidad sa malalayong probinsiya.

‘Yun lang.

In English, sasabihin lang nila, “Dr. Dreyfuss was great. May he rest in peace.”

Pasintabi po…

Talagang magre-rest in peace na po siya, pero ang sugat, hinanakit, pagkadesmaya, pait at kawalan ng katarungan ay palaging magsusumiksik sa isip ng kanyang mga naulila — naulilang pamilya at naulilang komunidad.

‘Yung pamilya na ipinagmamalaki siya dahil mas pinili niyang maglingkod sa bayan at ‘yung komunidad na kahit paano ay nabigyan niya ng pag-asa at nakapagmamalaki sa pagbabalita na, “May doktor na kami…”

Pero dahil pinaslang si Dreyfuss, na hanggang ngayon ay hindi alam kung sino ang may gawa, hindi lang naulila ang kanyang pamilya at ang komunidad, nabawasan po tayo ng isang doktor na may puso sa mahihirap.

Pero ang ipinagtataka natin, bakit tila hindi gumagana ang intelligence unit or group ng Philippine National Police (PNP) o ng National Bureau of Investigation (NBI) para maging madali ang pagtukoy kung sino ang pumaslang kay Dr. Dreyfuss.

Sa ganang atin, mayroong malaking pangangailangan na tukuyin at tugisin ng PNP at iba pang kinauukulang awtoridad ang suspek sa pagpaslang kay Dr. Dreyfuss.

Una, dahil kailangan matukoy kung ano ang motibo sa pamamaslang.

Ikalawa, siyempre, dahil ang pagpatay ay paglabag sa batas, dapat panagutin nang mabilis ang suspek.

Ikatlo, kailangan ipadama ng PNP at iba pang law enforcers group na protektado nila ang mga doktor na buong pusong nag-aalay ng kanilang panahon, oras at karera para sa maliliit nating kababayan.

Ikaapat, kailangan itong gawin ng PNP at iba pang law enforcers group, upang hindi matakot ang mga kabataang doktor na sundan ang yapak ni Dr. Dreyfuss — ang boluntaryong mag-lingkod sa mga kababayan natin na naninirahan sa mga liblib at malalayong probinsiya.

Ikalima, KATARUNGAN para kay Dr. Dreyfuss.

Yes Secretary Paulyn Jean Rosell Ubial and PNP chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, JUSTICE must be served to Dr. Dreyfuss Perlas!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *