Monday , October 14 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Jim Paredes masyadong affected sa Duterte admin?!

SABI ng isang eksperto, isa sa mga nagpapabagal sa pag-unlad ng ating bansa ay kahinaan ng mga opisyal na lider at naglilider-lideran na tanggapin at kilalanin ang namamayaning katotohanan.

Sabi nga, kung hindi kayang tanggapin ang umiiral na katotohanan at kinakaharap na kondisyon sa kasalukuyan, tiyak hindi rin makapaglalapat nang angkop na aksiyon sa isang sitwasyon.

Isa na nga rito ang napaka-bitter na reaksiyon ni Mr. Jim Paredes na para bang pag-aari niya ang Efipanio delos Santos Avenue (EDSA) nang itaboy ang mga kabataang iniidolo si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Naghulas ang pagiging Atenean ng mamang inidolong tunay ang henyong si Apolinario Mabini (kay Mabini po nanggaling ang pangalan ng kanilang banda na Apo(linario Mabini) Hiking Society).

Masyado yatang nakabubulag ang ‘makinang’ na dilawan ng kanyang inidolong mag-ina at hindi na niya nakuhang irespeto ang paniniwala ng ilang kabataan.

Ano ba ang nagawa ng idol na mag-mommy ni Mr. Jim Paredes sa ating bansa?

Pinabalik at pinatatag lang nila ang Kamaganak Inc. di ba?

Demokrasya?

Wattafak!?

Ganyan ba ang alam mong demokrasya, manindak at mam-bully ng mga kabataan?!

022717 jim paredes

Gusto tuloy natin itanong kung napatitulohan na ba ni Jim Paredes ang EDSA para maging pag-aari ng Liberal Party kaya nagkaroon siya ng lisensiya na paalisin, laitin at itaboy ang mga kabataang nagpapahayag ng kanilang damdamin na nagkataong salungat sa kanila?!

‘E sa totoo lang, mobilisasyon lang naman ng bitter na mga miyembro at kasalukuyang opisyal ng LP ang mga nagpunta sa EDSA nitong 25 Pebrero.

Kabilang na nga riyan ang bitter at napaka-emosyonal na si Jim Paredes.

Kagaya ng aktres at multi-artist na si Elizabeth Oropesa, hindi ko maubos-isipin kung bakit parang naghulas ang mga kagandahang-asal na puwedeng matutuhan ni Jim Paredes sa Ateneo.

O baka naman wala talagang tumimo sa kanyang isipan?!

Akala yata ni Mr. Jim Paredes, natakot sa kanya ‘yung mga kabataan.

‘E kung babasahin ang kanilang mga mata, takang-taka talaga sila at parang gustong matawa sa inaasal ng mama.

Hahaha!

Parang batang maaagawan ng patotot sa larong patintero!

Wahahaha!

Umayos ka nga, Mr. Jim Paredes!

Kahiya-hiya ka!

Look at yourself!!!

HIV TEST SA MGA ESTUDYANTE
ISUSULONG NI AIZA SEGUERRA

022717 condom HIV aiza

MAMSER Aiza, mawalang galang na rin, wala ka bang naiisip na ibang proyekto para sa mga kabataan kundi ang iugnay sila sa HIV at AIDS?!

Pagkatapos balakin na mamahagi ng condom sa mga estudyante, ngayon naman, gusto mo naman silang isalang sa HIV test?!

Bilang chairperson ng National Youth Commission (NYC) wala bang ibang network si Mamser Aiza kundi ang mga kabataang mabilis makasagap ng HIV/AIDS?

Mamser Aiza, ang daming out of school youth (OSY), bakit hindi sila ang unahin mong paglaanan ng proyekto kung paano sila matuturuan at matutulungan na igiya sa pag-aaral ang kanilang atensiyon?!

Bakit naman pinakikitid ang mundo ng mga kabataang Filipino? Ang mga kabataang Filipino ba ay kumikilos, nabubuhay, at nag-iisip para lang sa sexual urge?!

Kung nakikita sila na sa ganyang mundo lamang gumagalaw, dapat silang bigyan ng option o pagpipilian.

Pero bilang chairperson ng NYC, ikaw ang manguna na ipakita sa kanila ang kahalagahan ng edukasyon tungo sa isang matatag na kinabukasan…

Ikaw dapat ang nagbibigay sa kanila ng inspirasyon para mapatunayan sa sarili na sila ay pag-asa ng bayan.

‘Yun lang mamser Aiza!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Unang hamon sa integridad ni Torre

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA pang isang linggo mula nang tanggapin niya ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Naggagandahang obra ng PDLs, bida sa BIDA ng BJMP

AKSYON AGADni Almar Danguilan BIDANG-BIDA ang mga naggagandahang obra ng mga persons deprived of liberty …

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *