Friday , October 4 2024

‘Paandar’ at ‘Aberya’ the unsynchronized spokespersons of Malacañan Palace

‘BARADO’ ba ang komunikasyon o hindi nag-uusap sina PCOO Secretary Martin ‘Paandar’ ‘este Andanar at Presidential Spokesperson Ernesto ‘Aberya’ Abella kung kaya magkaiba sila ng sinasabi tuwing humaharap sa media?!

Gaya ng isyu ng P2 bilyong pondo na ilalaan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte para sa relief operations ng mga biktima ng 6.7 magnitude lindol sa Surigao City.

Ito ang inihayag ng Pangulo nang dumalaw siya sa Surigao sa harap ng mga biktima ng lindol, na maglalaan siya ng P2 bilyong pondo.

So kinabukasan, naglabasan itong banner story sa mga pahayagan. Dahil malaking istorya talaga na ang isang Pangulo ay maglaan ng P2 bilyon sa isang  kalamidad. Hindi kasi P2 bilyon ang inilaan ng dating administrasyon nang wasakin ng lindol ang Bohol.

Pero itinanggi ito ni Secretary Paandar ‘este Andanar kinabukasan.

Wattafak!?

Ang P2 bilyon daw na sinabi ng Pangulo ay para sa mga kababayan natin na mawawalan ng trabaho dahil sa pagpapasara ng mga minahan.

In short, another story ang paglilinaw (o mas tamang sabihin na lalong pinalabo?) ni Andanar.

Doon pa lang ay medyo duda na tayo kung paano dumadaloy ang komunikasyon sa Palasyo.

Inamin ni Andanar na hindi ang Pangulo ang direktang kausap niya kundi si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Tinanong umano niya, kung ‘yung P2 bilyon ay para sa mga biktima ng lindol, pero ang sabi umano ni Bong Go, wala siyang narinig na ganoon.

Heto ang siste, kinabukasan, nagsalita naman si Presidential Spokesperson Ernie ‘Aberya’ Abella na ‘yung P2 bilyon ay para talaga sa mga biktima ng lindol sa Surigao.

E ‘di lalong nahilo ‘yung Palace reporters lalo na ang taongbayan.

Wattafak agen!?

E ano ba talaga ang totoo?!

Baka mamaya kapag nagsalita na naman ang Pangulo, ‘e parehong bokya ‘yung dalawang spokesperson?

Noong nakaraang administrasyon, mas maraming spokesperson pero kahit paano ‘e magkakahawig naman ang mga sinasabi nila. Iisa ang tono nila.

Pero ang dalawang spokesperson ni Pangulong Digong na sina Paandar at Aberya, dadalawa na lang nga sila hindi pareho o hindi sabay kumanta?!

Anak ng tokhang!

Kung ganyan na laging desentonado o laging unsynchronized ang sinasabi nitong sina Aberya at Paandar, aba puwede ba mag-usap kayo?!

Puwede naman kayong magtawagan kung ayaw ninyong magkita at tanungin ninyo ang isa’t isa kung ano ang mga ‘kakantahin’ ninyo.

Or better yet, mag-TEAM BUILDING kaya kayong dalawa para magkakilala kayo nang husto.

‘Yun bang tinginan pa lang ‘e magkakaunawaan na kayo agad.

Napupuna lang natin, habang tumatagal lalo yatang gumugulo ang komunikasyon sa Palasyo.

Puwede bang ayusin na ninyo ‘yan Secretary ‘Paandar’ este Andanar and Secretary ‘Aberya’ este Abella?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *