Monday , October 7 2024

Nilimot na ni Sec. Bello ang contractualization

ANO na ang nangyari sa kontrobersiyal na labor contractualization? Mukhang nakalimutan na ni Labor Secretary Silvestre Bello III, at parang bula na lamang na naglaho at hindi na siya naringgan na nagsasalita hinggil sa isyu ng contractualization.

Matapos supalpalin ang Department Order 168 na inilabas ni Bello para sa mga  manggagawa na lalong nagpapatibay sa contractualization, hindi na nagpakita si Bello at sa halip ay kung ano-ano na ang kanyang inatupag.

Halos siyam na buwan na si Bello sa kanyang puwesto bilang Labor Secretary pero mukhang inutil talagang maituturing dahil walang ginawa para mahinto ang contractualization na patuloy na nagpapahirap sa mga manggagawa.

Ang pangako ni Bello na buwagin ang contractualization ay hindi na talaga naisakatuparan.  Nagbago ng posisyon si Bello at lumalabas na kampi na sa mga negosyante matapos sabihing mababangkarote ang mga negosyo kung aalising tuluyan ang contractualization.

Kung ang peace talks na pinamumunuan ni Bello ay naibasura lamang, lalo na ang usapin sa contractualization na kanya nang kinalimutan.

Ano pa ang hinihintay ni Bello…magbitiw ka na bilang Labor Secretary!

About hataw tabloid

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Sipat Mat Vicencio

Laban ni FPJ:  Inumpisahan ni Grace, tatapusin ni Brian

SIPATni Mat Vicencio NAGSIMULA ang ‘laban’ ni Senator Grace Poe nang bawian ng buhay ang …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors muling nag-hari sa Blumentritt

YANIGni Bong Ramos MULI na namang namayagpag ang mga vendor sa kahabaan ng kalyeng Blumentritt …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Delusional, kung ‘di man desperada

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DELUSIONAL na marahil ang ating Bise Presidente, si Inday …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Suwerteng QCitizens, bibilhan ng condo ni Mayor Joy B.

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKASUWERTE talaga ng QCitizens sa pagkakaron ng isang Alkalde na ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *