Friday , October 4 2024

Nakabibilib ang kaunlaran ng Taiwan

After more than 25 years, nakabalik din ang inyong lingkod sa Taiwan.

Dekada 80 pa nang huli tayong magawi sa Taiwan, ginagawa pa lang noon ang kanilang railway transit.

Sa ating pagbabalik, ang laki ng ipinagbago ng Taiwan. Ibang-iba na kaysa rati.

Moderno ang kanilang railway system, maluluwag ang kalsada, maliwanag ang ilaw sa gabi at makikita ang iba’t ibang tour group mula sa iba’t ibang bansa.

Noong Dekada 80, napakaliit ng halaga ng pera ng Taiwan (NT$). Ang mga overseas Filipino workers (OFWs) natin noon, sumasahod nang halos P60,000 isang buwan. Kaya nga marami tayong mga kababayan ang nawiling magpuntahan sa Taiwan.

Pero ngayon halos P20,000 na lang ang sinasahod ng OFWs.

Noon marami tayong nakikita sa Airport natin na Taiwanese tour group na nagpupunta sa Filipinas. Grupo-grupong Taiwanese tourists.

Pero ngayon, hindi na natin nakikita ang mga tourist group na ito. At doon na pala nagpupunta sa Taiwan ang mga kalapit bansa natin.

Mga grupo ng turistang Japanese, Koreans, Chinese mula sa mainland, Chinese na Hong Kong residents, mga American at kahit Europeans doon sila sa Taiwan nagpupunta para i-enjoy ang napakagandang pag-unlad ng bansa na kung tawagin noon ay lalawigan ng mga Kuomintang.

Hindi lang infrastructures ang hinangaan natin sa Taiwan, maging ang kanilang agricultural products, livestock at seafood ay kahanga-hanga.

Naalala pa natin noon na ini-export ang Bangus fingerlings sa Taiwan. Pero ngayon nakabibilib ang agri products nila mula sa gulay, prutas, isda at livestock.

Kitang-kita na naisisilbi nang sariwa.

Tuwang-tuwa ako sa nakita ko sa Taiwan pero nalungkot rin ako dahil iniwan na nito nang husto ang Filipinas. Kahit man lang sana sa Taiwan ‘e makasabay tayo sa kanilang pag-unlad.

Wala talaga sa laki o sa liit ng isang bansa o probinsiya ang pag-unlad…

Ito ay nasa pagkakaisa, disiplina at determinasyon ng mga lider at mamamayan ng isang bansa.

Kailan kaya mangyayari ito sa Filipinas?!

Wishful thinking and keeping my fingers crossed.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *