Monday , September 25 2023
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Doble-tara kolektong ni alyas Boy Agwas

HINDI lang pala ang Southern Police District (SPD) ang ipinangolektong nitong isang alyas Boy Agwas na nagpapakilalang bagman ni District Director, Chief Supt. Tomas Apolinario.

Maging ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay ipinangilak din pala ni Boy Agwas.

Doble tara talaga ang ginawa nitong si Boy Agwas.

Anak ng kotong talaga!

Kung ang pulisya ay abala sa Oplan Tokhang ‘e itong si Boy Agwas, abalang-abala sa Oplan-Kotong?!

Sonabagan!!!

Lumagari na nga nang husto gamit ang pangalan ng Southern Police District (SPD) dalawang linggo bago mag-Pasko, humataw din pala ng kolektong para raw kuno sa CIDG.

Anak ng bagman!!!

Si alyas Boy Agwas, ang matikas na bagman ng SPD at CIDG, naglunsad ng kanyang sariling OPLAN KOTONG!

Isang matinding kampanya ng OPLAN KOTONG sa iba’t ibang establisyemento, at siyempre higit sa lahat sa mga ilegalista.

091116-bagman-money

Gaya nga ng naiparating sa atin na info, ngumalngal ang club owners, perya-galan, VK operators, vendors at ultimo beer houses na maliliit, sinagasa umano ni Boy Agwas.

Hindi lang pamasko ang inihirit, ini-advance na pati pang-Bagong Taon!

Baka naman pati ang fiesta ng Nazareno, fiesta ng Sto. Niño maging ang Pasko at Bagong taon ng Intsik ‘e ipangotong pa ni Boy Agwas?!

Wattafak!? Jackpot!!!

Malamang suyurin na naman ni Boy Agwas ang iba’t ibang establisyemento ngayong 2017 gamit ang pangalan ni SPD director, Chief Supt. Tomas Apolinario.

And korek hindi lang OPLAN KOTONG, may oplan dagdag-bawas pa.

Dagdag na hatag mula sa ilegalista, at bawas umano sa remittances.

As usual, gamit na naman ang media at ilang mga kolumnista!?

Gen. Tomas Apolinario Sir, pati pala ang CIDG ay nagkabukol-bukol kay Boy Agwas…

Gusto lang natin itanong, bakit ba hinahayaan ninyong maging ‘super bagman-at-large’ si Agwas gayong masyadong ginagahasa ang dangal at pangalan ng Southern Police District?

Mayroon ba talagang PNP official na nakikinabang kay Boy Agwas?!

Paging, NCRPO Regional Director Gen. Oscar Albayalde!

10 MILYONG CONDOM
NAKATAKDA NANG IPAMAHAGI
NG DOH SA HIGH SCHOOL
STUDENTS

010416-doh-condom-money

Kahit hindi makita ng nakararami ang lohika ng pamimigay ng Department of Health (DoH) ng condom sa high school students, ‘e itinuloy pa rin nila ang plano ngayong 2017.

Ayon mismo kay Health Undersecretary Gerardo Bayugo, ang isang milyong condoms ay nakaimbak na sa DOH. Ito umano ay mula sa alokasyong P1 bilyong pondo para sa HIV/AIDS awareness program.

Bahagi ng P1-B HIV/AIDS awareness program ang HIV testing, awareness campaign at condom distribution.

Hindi umano kukulangin sa P50 milyon hanggang P100 milyon ang nakalaang budget para sa pagbili ng condom para sa birth control program.

Pero ang P1 bilyong pondo para sa HIV/AIDS awareness program ay iba pa sa pondo para sa implementasyon ng reproductive health law and population control programs.

Uy, may chances na mag-overlap ang budget para sa condom.

Iba pala ‘yung pondong pagmumulan ng condom para sa ipamamahagi sa high school students.

At iba rin pala ‘yung pondo na pambili naman ng condom para sa implementasyon ng reproductive health law and population control programs.

Sonabagan!!!

Sa condom mabilis at malaki ang pondo pero sa mga gamot at bakuna mabagal ang pondo?!

Bakit hindi ninyo unahin bigyan ng condoms ang KTV clubs, spakol, gay bar & spa!?

Wattafak!?

Mukhang mayroong kikita nang malaki sa condom diyan sa DOH?!

Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial, parang umuulan ba ng condom diyan sa  opisina ninyo?

Hindi mo ba nararamdaman?!

Paki-check lang po at baka hindi ninyo napapansin na mukha na kayong mg condom diyan sa DoH!

PANGKABUHAYAN
MULA SA VENDORS
NG MPD PCP-PACO
(Attn: SSupt. Jigz Coronel)

080416 police bagman money

Nagrereklamo ang mga motorista at business establishment owners sa nasasakupan ng MPD-PCP-PACO  dahil laging masikip ang kalsada sa AOR ng nasabing presinto!

Hinaing ng mga motorista, mismong main road sa kahabaan ng Paco ay inokupa na ng street vendors kaya pati presinto ay hindi na nga raw makita!?

Natatakpan kasi ng mga naglalakihang payong pati ang mga lehitimong tindahan sa lugar.

Ultimo PCP-Paco e natabunan na umano dahil sa kapal ng vendors sa harap nito.

Siyempre, kapag maraming vendors maraming kolektong!

At ‘yan ay dahil sa magaling na sibilyan na kolektong na si alyas Hapon!

Sonabagan!!!

Nagyayabang pa ang kamoteng ‘yan na bata-batuta raw siya ng PCP-Paco commander?!

MPD DD SSupt. Jigz Coronel, talo ka pa raw kung umasta at pumorma nitong si alyas Hapon diyan sa PCP-Paco?!

Pakihambalos mo nga Sir!

SINO ANG TUNAY
NA BIKTIMA
NG MARTIAL LAW?

KA JERRY, sa totoo lang nasasaktan kami sa nangyayari ngayon, kami ang tunay na biktima ng martial law. Kami tuloy ang walang boses. Ang mga nag-iingay sa kalsada ‘di naman sila totoo na biktima. Nag-iingay sila dahil sa pera. Sampal ‘yun sa mga tulad naming totoong biktima.

+63947291 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD anti-drug campaign, nakaiskor ng P2.4-M ‘damo’

AKSYON AGADni Almar Danguilan DALAWANG linggo na rin ang nakalipas simula nang italagang Director ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pangyabang na bonus, habang dedma sa learning crisis

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG pag-aanunsiyo kamakailan ng bonus na inilabas ng Department …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-utol na meyor may dementia o amnesia?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata BILIB na sana ako sa kasipagan ng magkapatid na …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

SIM card registration law ‘di kinatakutan ng scammers

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MUKHANG hindi natakot ang mga scammer sa SIM card registration law …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

Confi at intel funds mahalaga kung gagamitin nang tama

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MAHALAGA para sa isang ahensiya ng pamahalaan ang pagkakaroon ng tinatawag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *