Friday , September 20 2024

Niel Murillo, may tsansang mapasama sa 5 miyembro ng PBBS

PASOK sa grand finals ng Pinoy Boy Band Superstar ang  Kanto Boy Cutie ng Cebu na si Niel Murillo.

Sa audition pa lang ay  hinahangaan na kaagad ito dahil sa ganda ng boses na pang boy band talaga at  marami rin ang naantig sa kanyang istorya na kaya siya sumali ng PBBS ay dahil gusto niyang maipagamot ang kanyang kuya na may kapansanan sa mata.

Ang puna lang ng Superstar Juge na si Vice Ganda kay Niel, masyado raw itong mabait sa kanyang  kagrupo, ayaw manlamang, ayaw manggulang.

Nitong mga huling performance ni Niel, kahit  pabago-bago siya ng grupo ay ginalingan niya at napansin na lalo ni Vice na malaki ang inihusay ni Niel.

Ngayon, napasama siya sa 7 finalists na sa Saturday at Sunday lima ang kuninin  kaya dalawa ang maliligwak.

Nagkaroon pa ng pagkakataon si Niel na makauwi ng Bogo, Cebu  at sa  Cebu International Airport pa lang, mistulang superstar na siya na pinagkaguluhan sa motorcade, lalo na nang mag-show sa isang campus.

Ang nakatutuwa, nababasa ko sa  official Facebook account ni Niel ang suporta ng fans ng pitong lucky 7 teen stars na sina Maymay, Heaven, Marco, Edward, Yong , Vivoree, at Christian.

Sa mga gustong tumulong kay Niel para matupad ang pangarap, ito po ang inyong gagawin: Text PBS NIEL send to 2366. Puwede ring bumoto via Google. Log in to your Google Account. Search PBS VOTE. Click on NIEL’s photo and Submite Vote.

LA Santos, ire-revive ang WhenI Was Your Man ni Bruno Mars

SA ilulunsad na album ng bagong singer na si LA Santos ay masasama ang kanta ni Bruno Mars na When I Was Your Man. Yes, si LA lang ang binigyan ng  pahintulot o karapatan na kantahin at i-revive ang kanta.

Twice ko nang napanood si LA na mag-perform. Ang una ay sa 19 East nang maging guest artist siya sa concert ni Janina Gonzales.

At noong Linggo sa Music Box, sa birthday concert ni Tori Garcia.

Habang tumatagal ay lalong gumagaling si LA. Isa siyang total performer. Hindi nagkamali ang Star Music sa pagkuha sa kanya bilang recording artist sa tulong ng sikat na composer na si Joel Mendoza.

Owl Butterful, pang-MMFF ang kalidad

SAYANG at hindi nakasama ang pelikulang Owl Butterfly sa Metro Manila Film Festival. Kung naging maagap lang sana sila, maaaring nakapasok sila.

Ang nasabing advocacy film ay tungkol sa sexual abuse. Pang-MMFF kasi ang quality ng Own Butterfly, mapa-istorya, acting, at production aspects.

Maganda  ang pagkadirehe ng pelikula ng mag-asawang direktor na sina Blessa Escuadro at Jun Zarate. Mahusay din ang nagsipagganap na sina Glenda Resurreccion, dating DJ ng DWKC, former recording artist as MC Lara at boses ni Dae Jang Geum ng Jewel in the Palace (Tagalized version), bilang isang guro na  kung kailan tumanda ay at saka pa bumabalik sa kanyang mga alaala ang pang-aabusong sexual ng  amain. Pati ang kanyang nakababatang kapatid na binabae ay nahalay din ng kanilang ama.

Superb din ang akting ng beauty queen na si Joyce Anne Burton na gumanap bilang isang Psychiatrist.

Sa premiere na ginanap kamakailan sa  Cinemae 12 ng SM Megamall, nabosesan namin si Joyce at hindi ako nagkamali, siya ‘yung boses sa likod ng mga reminder sa Cebu Pacific, inamin naman niya at nahingan pa namin siya ng sample, siya nga !

Ang Owl Butterfly ay isang uri ng paru-paru na sa bawat pakpak ay may parang bilog at kapag may papalapit na kalaban, ititiklop nila ito at nagmistulang dalawang malalaking mata ng kuwago ang makikita na ibig sabihin, kapag gustong gumawa ng kasamaan lalo na sexual, may mga pamamaraan para labanan ang predator.

Congratulations sa Anastassia Films ni Resurreccion, Direk Zarate at  Escuadro at sa lahat ng cast. Naka-schedule nang ipalabas ito sa mga eskuwelahan.

MAKATAS – Timmy Basil

About Timmy Basil

Check Also

Joel Umali Peña Mark Leviste

100 Hope tampok sa Big Ben’s 100 Days Before Christmas ng Lipa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio DINUMOG ng mga Lipeño ang Christmas Tree Lighting and 100 ‘Hope’ …

Bong Revilla Lani Mercado

Sen. Bong at Rep. Lani, may solid na pagmamahalan, kaya relasyon ay matatag

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NANGHIHINAYANG si Sen. Bong Revilla dahil hindi natuloy ang kanyang …

Sylvia Sanchez Arjo Atayde

Cong. Arjo pinabulaanang ‘di na tatakbo sa susunod na eleksiyon

MATABILni John Fontanilla PINABULAANAN ni  Quezon City District 1 Congressman at awardwinning actor na si Arjo Atayde sa …

SV Sam Versoza Rhian Ramos

Cong. Sam Verzosa namigay ng negosyo sa 100 katao; sinorpresa ni Rhian

MATABILni John Fontanilla BUMAHA ng luha sa labis na kasiyahan ang may 100 netizen na …

Arjo Atayde

Arjo nanghinayang, nalungkot sa ‘di pagkakasama sa Incognito

MA at PAni Rommel Placente SA Thanksgiving/Christmas party ng actor-politician na si Arjo Atayde para sa entertainment …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *