Wednesday , April 24 2024

Melai, payag nang makipagkita ang anak kay Carlo

TULUYAN na ngang mauuwi sa kasalan ang pag-iibigan nina Edwin (Jeric Raval) at Wilma (Pokwang) ngunit isang pagsubok ang kanilang haharapin ngayong makikilala na ng huli ang kanyang mga magiging biyenan sa Kapamilya afternoon series na We Will Survive.

Nakatakda nang harapin ni Wilma ang mga magulang ni Edwin at susubukang patunayan na siya ay karapat-dapat para sa kanilang anak. Bagamat naikukompara sa dating asawa ng kanyang nobyo, hindi pa rin siya susuko at patuloy na ipakikita ang kanyang kagustuhang maging parte ng kanilang pamilya.

Samantala, unti-unti nang papayagan ni Maricel (Melai Cantiveros) na makipagkita si Pocholo (Carlo Aquino) sa anak nilang si Jude (Josh De Guzman). At kahit matindi pa rin ang galit na nararamdaman ni Maricel para sa kanya, hindi mawawalan ng pag-asa si Pocholo na makuha ang kapatawaran ng ina ng kanyang anak para sa ikabubuti ng lahat.

Marami pang dapat abangan kaya tutukan ang teleseryeng nagpapakita na gaano man kapangit ang mundo, gaganda ang buhay basta’t magkasama tayo, ang We Will Survive tuwing hapon.

UNCUT – Alex Brosas

About Alex Brosas

Check Also

Ruru Madrid

Ruru Madrid tuloy-tuloy ang dating ng blessings

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz …

Blind Item, Men

Male starlet ‘sumisingaw’ na videos kasama ng mga customer na bading

ni Ed de Leon MAGANDA ang sideline ng isang male starlet. Tambay lang siya sa isang watering …

Kristine Hermosa Jericho Rosales

Kristine ‘di feel makatrabaho si Jericho

HATAWANni Ed de Leon BAKIT parang bantulot si Kristine Hermosa nang sabihin sa kanyang gusto siyang makasamang …

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

Daniel bumaba ang TF nang mahiwalay kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon NATATAWA kami noong isang araw sa isang blog, na nagsasabi kung …

Vilma Santos

Ate Vi karapat-dapat tanghaling National Artist

HATAWANni Ed de Leon HINDI naghahabol si VIlma Santos na matawag siyang National Artist. Katunayan,  sa tuwing sasabihin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *