Saturday , July 27 2024

Myrtle, gustong makilala bilang female rapper

VERY noticeable ang rap portion sa album ni Myrtle Sarrosa, ang Now Playing-Myrtle, a nine-track fusion album crossing over ballad, pop, dance, RnB with influences of hiphop.

“Influences ko talaga as a singer is really hip hop and rap. Kahit sumasali kami sa biritan na contest, the songs that I really listen to is hip-hop and rap-inspired. Sa ‘Your Face Sounds Familiar’, noong pinagbigyan  nila ako to do  Nicki Minaj, nakitaan ako nila sir Gary Valenciano ng talent. Doon talaga ako nagkaroon ng motivation to push it. The reason kung bakit ako gumawa ng rap album is wala pang female rapper sa mainstream ngayon,” say ni Myrtle sa launching ng kanyang album from Ivory Music and Video.

Lahat ay sarili niyang compositions kaya naman natanong siya kung ano ang kanyang inspirations sa paggawa ng mga kanta.

“’Yung iba’t ibang songs ay iba-iba ang inspirations nila. ‘Yung ‘Label’, right after ay isinulat ko talaga siya agad. ‘Yung ‘Ngayon’ naman ay isinulat ko right after I woke up. So, may inspiration to every song really varies.  So, you can ‘t really expect kung saan talaga siya nanggagaling,” paliwanag niya.

Kasama sa album ang Mr. Pakipot, Heartbroken, Nasaan Ka Na, Still Love Me, Tadhana, Ngayon, Label, Sabi Nila.

UNCUT – Alex Brosas

About Alex Brosas

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *