Thursday , December 12 2024

‘Swak’ si Kim Wong bilang mastermind

HINDI pa dapat magsagawa ng preliminary investigation ang Department of Justice (DOJ) sa kasong paglabag sa Anti-Money Laundering Act na isinampa laban kay RCBC branch manager Maia Deguito ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) hinggil sa $81-M money laundering scam.

Ang dapat gawin ni Justice Secretary Emmanuel Caparas ay atasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na umayuda sa AMLC sa pagsisiyasat na $81-M money laundering scam para mabuo ang istorya.

Halata kasi na hilaw ang kaso at imposibleng walang kinalaman ang liderato ng RCBC sa paglalabada ng $81-M ninakaw mula sa Central Bank of Bangladesh.

Iyan naman ay kung desisido ang DOJ na tuklasin ang tunay na nangyari at panagutin ang lahat ng responsable sa krimen.

Mas kahiya-hiya kung ang Federal Bureau of Investigation (FBI) pa ang makatutuklas kung paano dinambong ang $81-M ng Bangladesh ang pangkat ni Kim Wong at walang kahirap-hirap na pinapasok ng RCBC sa kanilang kompanya at inilabas patungo sa mga casino.

Malaki rin ang magiging papel ng telecommunications company sa pagtukoy sa katotohanan dahil ayon kay Deguito ay kada 20 minuto tumatawag sa banko si Wong upang tiyakin kung nadeposito na sa RCBC ang $81-M.

Kung sa banko tumatawag si Wong, ibig sabihin kaya ay PLDT landline ito?

Aba’y kung sa PLDT landline ng RCBC Jupiter St. branch sa Makati City nangulit si Wong, dapat ay ipa-subpoena ng Senado ang phone records ng nasabing banko.

Isa ito sa mga importanteng detalye na mapapatunayan na ang pahayag ni Deguito laban kay Wong ay tunay.

Pero gaano katotoo ang ulat na si RCBC Chairman Helen Yuchengco Dee ay isa sa board members ng kompanyang pagmamay-ari ni Manny V. Pangilinan na siya rin may-ari ng PLDT?

Kung totoo ito, aba’y malaki ang tsansa na magkaroon ng takipan ang malalaking negosyante para hindi matunton ang malaking partisipasyon ng RCBC sa krimen.

Hindi na  haka-haka ito dahil isang mamamahayag ang ipinasuspinde raw ni Dee sa isang malaking estasyon ng TV at radio dahil sa pagbanat sa RCBC at pagpanig kay Deguito.

Isa pala si Dee sa  member of the board sa kompanyang mayr-ari ng estasyon na konektado rin sa PLDT.

Kapanapanabik talaga ang mga susunod na kabanata.

Abangan!!!

Likas na bastos si Erap

NABULGAR ang isa na namang halimbawa ng kabastusan ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada sa mga bayani ng bansa para lamang kumita.

Walang kaabog-abog na ipinalipat ng sentensiyadong mandarambong ang rebulto ni Marcelo H. del Pilar sa kanto ng Quirino at M.H. Del Pilar mula sa puwesto nito sa Remedios Circle sa Malate.

Natural na umalma ang Samahang Plaridel na nagpagawa ng rebulto, ang organisasyon ng mga beteranong mamamahayag, dahil hindi man lang sila inabisohan ni Erap o ng kahit sinong taga-Manila City Hall bago ilipat ang rebulto.

Nang iparating ang kanilang hinaing kay Erap, mala sanggano ang tugon ng sentensiyadong mandarambong na hindi na raw kailangan ipabatid sa organisasyon ang paglipat sa rebulto dahil ang pamilyang Del Pilar daw ay pumayag naman.

Kung tutuusin ay walang lehitimong dahilan na ilipat ito dahil hindi naman nakasasagabal sa daloy ng mga sasakyan sa Remedios Circle.

Hindi nga natin maitindihan kung bakit tila ‘mainit’ sa rebulto ang Malate-Ermita Business Organization at inihirit sa sentensiyadong mandarambong ang paglipat kay Del Pilar at pinalitan ito ng fountain.

Pinaratangan pa ni Erap ang Samahang Plaridel na mga tagasuporta ni Mayor Alfredo Lim kaya’t may bahid politika ang angal.

Iba talaga umandar ang utak-kriminal, pilit na inililihis ang isang lehitimong isyu para mabatikos lang ang kalaban sa politika.

Sabi nga ng beteranong peryodistang si Ernesto Tolentino, isa sa mga opisyal ng Samahang Plaridel, napagkasunduan ng pangkat na sumulat sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP) para idulog ang pagbabalewala sa kanila ni Erap.

Matagal na nating ipinupunto na sadyang bastos sa mga bayani at cultural heritage si Erap.

Hindi ba’t pinatambakan niya ng vendor ang paligid ng Bantayog ni Andres Bonifacio sa tabi ng City Hall?

Ang Plaza Lawton naman na may bantayog din si Bonifacio ay pinahihintulutan niyang maging illegal terminal ng UV Express at illegal vendors na minamantina ni Reyna L. Burikak?

Ipinagiba at ibinenta rin niya ang PNB Bldg. sa Escolta, at ang Army-Navy Club sa Roxas Blvd.

Kung hindi kumontra ang mga taong Simbahan ay gustong patayuan ni Erap ng sabungan ang isang lugar na malapit sa makasaysayang Our Lady of the Abandoned sa Sta. Ana.

Tama nga si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, kung walang Erap, walang corrupt.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *