Wednesday , December 11 2024

Sponsors ng political  ads ng politicians ilantad

vote for meTUWING may nababasa, naririnig o napapanood tayong political advertisements (TV/RADIO) ng mga politikong tumatakbo para sa May 9, 2016 elections, ang nababasa nating nakasulat sa ibaba ay “paid ad” o kaya naman “paid for by friends of – – – – – “

‘Yun yata ang isa sa mga rekesitos ng Commission on Elections (Comelec).

Ang ipinagtataka lang natin, bakit hindi inilalabas o hindi sinasabi kung sino ang sponsor ng mga nasabing paid ads?!

Gaya na lang ng napakadalas na ads ng politikong si “ALAM KO PO ‘YUN!”

Sino ang donor o sponsors ng kanyang political ads?!

Hindi ba dapat ay malaman rin ng publiko kung sino-sino ang kanilang ‘mababait’ na donor o sponsors?!

Kanino ba galing ‘yan?

Kay Madam Arlene o sa walang kupas na illegal terminal queen sa Lawton?!

Sabi nga ni Katotong Percy ‘e, ‘yung illegal terminal queen na iika-ika na pero burikak pa rin.

Kasi ang unang tanong natin diyan, kanino at paano babawiin ni Mr. Alam Ko Po ‘Yun, ‘yang mga gastos sa milyon-milyon political ads kung wala siyang donor o sponsor?!

At kung mayroon naman siyang donor at sponsor, ano ang KAPALIT NA PROBETSO na hihingiin nila kung saka-sakaling ma-ging mambabatas si Alam Ko Po ‘Yun?!

Aba, ‘e baka sa buong Pinas na magtayo ng illegal terminal ang sabi nga ni Katotong Percy ay reynang iika-ika na pero burikak pa rin?!

Sana lang ay maging requirement ng Comelec na isama sa lumalabas na political ads kung sino ang kanilang donor o sponsor.

‘Di ba, Comelec Chairman Andres Bautista?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *