Thursday , December 12 2024

100-day maternity leave ng empleyado dapat pag-aralan

pregnant working momHINDI natin alam kung seryoso ba talaga ang mga mambabatas sa pagsasabatas ng 100-day maternity leave sa public and private sectors o ginagawa lang nila ito dahil nagpapabango para sa eleksiyon.

Umabot sa 19 senador ang bumoto pabor sa Senate Bill 2982 o ‘yung proposed Expanded Maternity Leave Law of 2015.

Kapag naging batas ang SB 2982, ang dating 60-days maternity leave para sa government employees at 60-78 days naman sa private sector ay magiging 100 days na, regardless of the mode of delivery.

Panukala ito ni Senadora Pia Cayetano, na hindi natin alam kung nagpapabango lang sa mga manggagawa at empleyadong kababaihan ngayong eleksiyon.

Paninindigan pa kaya ng mga mambabatas ‘yan ngayong nagsalita na ang Economic Confederation of the Philippines (ECOP) na magkakaroon umano ng implikasyon sa industriya ang nasabing panukalang batas?!

Aba, baka ang mangyari umano ay hindi na tumanggap ng empleyadong babae na may-asawa ang mga employer?!

Duda rin tayo kung papayag ang mga empleyado na gamitin ang 100-day maternity leave lalo na kung may panahon na wala na silang tatanggaping suweldo?!

Kung tutuusin ay hindi produktibo ang batas na ito sa ating bansa.

Mas makatutulong pa siguro kung magkakaroon ng isang public daycare para sa mga manggagawa o empleyado na walang mapag-iiwanan ng kanilang mga anak.

‘Yung walang bayad na daycare center at mayroong nurse, doctor at nurse aid na mag-aalaga sa mga bata o babies.

Sa mga ganitong proyekto siguro, baka tumulong pa ang mga employer.

Ang pinag-uusapan kasi dito ‘yung pagiging productive ng isang manggagawa na hindi maisasakripisyo ang kanyang anak at sariling kalusugan ng ina na bagong panganak pa lamang kahit nasa area of work siya.

Huwag sanang kalimutan ni Senator Pia na hindi sa haba ng oras napalalaki nang tama ang isang bata kundi sa quality time ng mga magulang at anak.

Sa kabuuan, tingin natin ay impratikal ang SB 2982 at hindi makatutulongsa ekonomiya ng bansa.

Mas mabuti sigurong pag-aralan mabuti ang panukalang batas na ito.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *