Wednesday , December 11 2024

Kanino ba nanghihiram ng kapal ng mukha si DOTC Sec. Jun Abaya?

Jun AbayaKUNG hindi tayo nagkakamali, isa si Secretary Joseph Emilio A. (as in Aguinaldo) Abaya sa mga napipisil ng isang grupo sa Estados Unidos (US) na maging presidente ng Filipinas.

Naniniwala kasi ang mga grupong ito sa US na mayroong mahusay na genetic lineage si Abaya.

(Sa kanyang ama ay sa magiting na rebolusyonaryong si Isabelo Abaya, ang nagtatag ng Republika ng Candon, matapos palayasin ang mga Espanyol sa Ilocos Sur at sa kanyang ina, sa lahi naman ng dating pangulong si Emilio Aguinaldo).

Hindi lang natin, tiyak kung sa anong panahon nila gagawin ang media-hype pabor kay Secreatary Jun Abaya para tuluyang maitampok siyang maging next in line sa presidency ng bansa. 

Bukod diyan, may isa pang hinaharap na balakid si Jun Abaya, kung paano niya babawiin ang impresyon ng publiko na siya ay isang mahina, inutil at mukhang hindi makapag-isip na kalihim ng Department of Transportation and Communications (DoTC).

Mantakin ninyong naghamon na ang Pangulo — si PNoy — na kapwa sila magpapasagasa sa tren kapag hindi natapos ang LRT 1 Extension (Baclaran to Bacoor, Cavite) pero hanggang ngayon ay nariyan pa rin sa tanggapan ng DoTC si Pabaya ‘este’ Abaya.

Ayaw siyang tanggalin ni PNoy sa DoTC dahil siya ay kasalukuyang acting president ng Liberal Party (?) kahit katakot-takot ang mga kapalpakan na nangyayari sa LRT at sa MRT. Kahit hindi maayos-ayos ang traffic ng mga sasakyan sa EDSA, at napakabagal ng internet at palpak ang television cable services sa buong bansa. ‘Yan ay sa kabila na bayad nang bayad ang mga subscriber sa iba’t ibang internet at cable services.

‘Yan ang eksaktong larawan ng paglilingkuran ni Secretary Jun Abaya sa DoTC.

Sayang ang track record niya sa kahenyohan sa Matematika kung hindi nabibilang at nasusukat ni Sec. Abaya kung gaano kalawak ang perhuwisyong naidudulot ng mga kapalpakan ng kanyang pamamahala sa kanyang departamento sa pag-unlad ng ating bansa.

Sa isang banda, dapat ba siyang sibakin pa ni PNoy kung siya ay may palabra de honor at delicadeza?!

Hindi ba dapat ay nagre-resign na siya nang kusa?!

Nanghihinayang tayo sa genetic lineage ni Sec. Abaya.

Hindi kaya magbangon sa hukay at magmulto ang kanyang nuno na si Isabelo Abaya, ang dakilang rebolusyonaryo ng Candon at nagsulong ng rebolusyon sa Kalookan nong 1899 sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Antonio Luna dahil sa ginagawa niyang tila ‘pagtataksil’ sa kapakanan ng sambayanang Filipino?!

Hay Abaya…

Puwede mo pang sagipin ang iyong pangalan at integridad kung hihingi ka ng paumanhin sa sambayanan at magbibitiw nang kusa bilang kalihim ng DoTC.

Huwag kang magpaka-kapit-bayawak, Secretary Abaya, resign now!      

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *